Speak now, silence is not an option

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 624 total reads

Binigyang diin ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na hindi tugon ang pananahimik sa mga pang-aatake sa lipunan.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang pananahimik sa hindi makatarungang pag-atake sa mamamayan ay higit pang sasamantalahin ng ilang indibidwal ang kahinaan ng ibang tao.

“This [silence] is a good way to respond to personal attacks, but when the attacks are being done against others unjustly, silence is not an option. To keep silent is to allow the aggressor to bully the innocent victims,” pahayag ni Bishop Pabillo.

Iginiit ng Obispo na ang pananahimik ay nangangahulugan ng pagpanig sa mga mapang-alipustang indibidwal at hinahayaang ipagpatuloy ang pang-aatake at pagpalaganap ng mga kasinungalingan sa pamayanan.

Ayon kay Bishop Pabillo, kailangang protektahan ang mga biktima ng pang-aabuso laban sa mga hindi makatarungang pag-atake.

Inihayag ng Obispo na ang kawalang katarungang naranasan sa isang komunidad ay dapat maramdaman ng buong pamayanan kaya’t pinuna nito ang pananahimik ng ilang pastol ng simbahan laban sa mga karahasang nagaganap sa bansa.

“Do we have to wait for the killings to spread to other dioceses? Injustice in one area is injustice to all, like a wound in a part of the body makes the whole body sick.” pahayag ng Obispo

Binanggit ng Obispo ang pagpaslang sa mga taong hinihinalang sangkot sa ipinagbabawal na gamot na karamihan ay sa Metro Manila at karatig lalawigan na batay sa tala ng mga human rights group umabot na sa higit 20, 000 indibidwal ang biktima.

Binigyang pansin din ng Obispo ang mga karahasan sa Negros at sa rehiyon ng Mindanao kung saan batay sa taya 90 katao na ang napaslang sa ilalim ng administrasyong Duterte na kadalasang biktima ay mga katutubo, magsasaka, human rights advocates, abogado at maging ilang kasapi ng Philippine National Police.

Pinuna din ni Bishop Pabillo ang pagiging tahimik ng ilang mamamayan hinggil sa walang basehang akusasyon sa 36 na indibidwal na kinasuhan ng sedisyon dahil sa hayagang pagpuna sa mga maling polisiya ng kasalukuyang administrasyon.

“Silence is not an option. We have to speak – and now! Defend the innocent. Denounce the aggression. Call the accusations for what they are – lies!” panawagan ni Bishop Pabillo

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 118,557 total reads

 118,557 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 256,089 total reads

 256,089 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 371,865 total reads

 371,865 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 487,566 total reads

 487,566 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top