Special bond of spiritual affinity sa Papal Basilica,tinanggap ng Cathedral of the Immaculate Conception

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,650 total views

Ibinahagi ng Prelatura ng Batanes ang pagkakaroon ng Spiritual Bond of Affinity ng Cathedral of the Immaculate Conception ng Basco sa ‬Papal Basilica of‭ ‬St.‭ Mary‭ ‬Major sa Roma.

Ayon kay Cathedral Rector Fr. Ronaldo Manabat pormal na natanggap ng prelatura ang mga kalatas mula sa Papal Liberian Basilica at Apostolic Penitentiary ng Vatican para sa ugnayan ng dalawang simbahan.

“On this day, the Cathedral of the Immaculate Conception, Basco, Batanes, Philippines formally announces that we have received the Decrees from the Papal Liberian Basilica and the Apostolic Penitentiary of the Holy See stating that our Cathedral now has A Special Bond Of Spiritual Affinity To The Papal Basilica Of Santa Maria Maggiore,” ayon kay Fr. Manabat.

Mahigit 300 Marian Shrines sa mundo ang may special‭ ‬bond of spiritual affinity sa Papal Basilica kung saan ang Cathedral ng Batanes ang ika – 19 sa Pilipinas.

Dahil sa ugnayan matatanggap ng mananampalataya ang mga indulhensyang ipinagkakaloob ng Papal Basilica sa tuwing dadalaw sa Cathedral ng Basco Batanes.

Upang matamo ang plenary indulgence kinakailangang sundin ang mga panuntunan ng pagtanggap tulad ng pagdulog sa sakramento ng pagbabalik loob o kumpisal, pagtanggap ng Banal na Komunyon, panalangin sa natatanging intensyon ng santo papa, pag-usal ng Ama Namin at Credo.

Magkakaroon ng plenary indulgence sa kapistahan ng Saint Mary Major tuwing August 5, kapistahan ng Cathedral of the Immaculate Conception sa December 8, sa lahat ng kapistahan ng Mahal na Birheng Maria, at sa tuwing nagtitipon ang mananampalataya para sa debosyon sa Papal Basilica of Saint Mary Major o sa affiliated na dambana.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 62,945 total views

 62,945 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 58,814 total views

 58,814 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 95,016 total views

 95,016 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 103,176 total views

 103,176 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 127,247 total views

 127,247 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top