Special bond sa pagitan National Shrine of Our Lady of the abandoned at Real Basilica de Nuestra Señora de los Desamparados, itinatatag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,731 total reads

Pormal nang itinatag ang Special Bond of Spiritual Communion sa pagitan ng National Shrine of Our Lady of the Abandoned sa Santa Ana, Manila at ng Real Basílica de Nuestra Señora de los Desamparados sa Valencia, Spain.

Ayon sa pahayag ng National Shrine of Our Lady of the Abandoned na pinangangasiwaan ng mga misyonerong Franciscano ito ay isang makasaysayang tagpo sa mahigit tatlong siglong debosyon na makatutulong sa pagpapatibay ng pananampalataya ng mga mamamayan.

“The formal establishment of a SPECIAL BOND OF SPIRITUAL COMMUNION with the Real Basílica de Nuestra Señora de los Desamparados de Valencia marks a monumental milestone in our centuries-old history,” ayon sa pahayag ng dambana.

Nilagdaan ang kasunduan noong November 11, 2025 sa Valencia at pinagtibay ng matataas na opisyal ng Simbahang Katolika kabilang sina Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Valencia, Spain Archbishop Enrique Benavent Vidal.

Binigyang-diin sa pahayag na ang kasunduan ay hindi lamang seremonyal kundi isang malalim na ugnayang espirituwal.

“This is not merely a document, but a supernatural alliance sanctioned by the highest ecclesiastical authorities,” anila.

Itinuturing ng pambansang dambana na ang ugnayan ay katuparan ng mahabang kasaysayan ng debosyon na nagsimula mahigit 300 taon na ang nakalilipas.

Batay sa kasaysayan taong 1717 nang dinala ni Fr. Vicente Yngles, OFM ang debosyon mula Valencia patungong Santa Ana Manila, kasama ang unang replika ng La Geperudeta na naging simula ng malalim na debosyon ng mga Pilipino sa Mahal na Ina ng mga Inabandona.

Sa kasalukuyan patuloy ang paglago ng debosyon sa Birhen de los Desamparados sa Pilipinas at ang nilagdaang spiritual bond of communion ay higit na magpapatibay sa ugnayan sa pagitan ng dalawang dambana.

“Today, that spiritual seed has blossomed into a formal, eternal union between two nations… By this spiritual union, we reaffirm our vow to serve the marginalized, the mentally ill, and mothers in need—turning faith into living works of love,” ayon sa pahayag.

Inaanyayahan ng National Shrine ang mananampalatayng Pilipino na makibahagi sa pagdiriwang ng makasaysayang ugnayan kasabay ng panawagang ipagdasal ang patuloy na pagkakaisa ng Simbahan sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Ang National Shrine of Our Lady of the Abandoned ay nagsilbing unang misyon ng mga Franciscano noong 1578 at nanatiling matatag makalipas ang ilang siglo sa kabila ng mga kalamidad, digmaan at hamong kinakaharap ng lipunan.

Matatagpuan din sa pambansang dambana ang dalawang National Cultural Treasures, ang Santa Ana Site Museum at ang Camarín de la Virgen.

Pormal na naideklarang national shrine ang parokya noong 2021 makaraang aprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 36,323 total reads

 36,323 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 70,998 total reads

 70,998 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 100,176 total reads

 100,176 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 136,658 total reads

 136,658 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 152,678 total reads

 152,678 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top