Stella Maris Philippines, nakiramay sa pamilya ng 2 Filipino seafarer na nasawi sa Black Sea

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,888 total reads

Nakiisa at nakiramay ang Stella Maris Philippines sa dalawang Pilipinong seafarer na nasawi sa drone attack sa hilagang bahagi ng Black Sea, kasabay ng panawagang wakasan ang karahasan at digmaan na patuloy na kumikitil ng buhay ng mga inosente.

Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter ng Stella Maris Philippines, lubhang nakalulungkot ang sinapit ng mga marino na kabilang sa mga biktima ng pag-atake.
Binigyang-diin ng obispo na walang nagwawagi sa digmaan kundi patuloy na kahirapan at pagdadalamhati ang natatamo, lalo na ng mga inosenteng naghahanapbuhay lamang.

“In war, there is no victor. No future. No saving grace. It is always the innocent who suffer, victimized by violence they did not choose and caught in conflicts they did not create,” pahayag ni Bishop Santos.

Kinilala rin ni Bishop Santos ang dalawang nasawing Pilipinong marino bilang mga makabagong bayani na nagsakripisyo para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya.

“We have lost modern-day heroes; men who labored with courage and offered their strength so that their families might live with dignity. Their sacrifice will never be forgotten,” ani ng obispo.

Ibinahagi ni Bishop Santos na nag-alay ang Stella Maris Philippines ng mga banal na misa para sa kapayapaan ng kaluluwa ng mga nasawing marino, habang patuloy ding ipinapanalangin ang mabilis na paggaling ng mga nasugatan at ang kaligtasan ng mga nawawalang tripulante.

Tiniyak din ng obispo na hindi pababayaan ng Simbahan ang mga naiwang pamilya ng mga biktima at agad na ipinag-utos ang kaukulang pagkilos upang maipaabot ang kinakailangang tulong.

“As Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, I assure you that we stand with you, we reach out to you, and we will assist you,” saad ni ng obispo.

Inatasan ng pastol ang pamunuan ng Stella Maris Philippines na makipag-ugnayan sa mga pamilya ng mga biktima at makipagtulungan sa Department of Migrant Workers (DMW) at sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang matiyak ang agarang pastoral at iba pang kinakailangang suporta.

“I have already instructed our national secretariat to contact the families, to offer pastoral support, and to coordinate with the Department of Migrant Workers and OWWA for the necessary assistance,” ayon pa sa obispo.

Iginiit ni Bishop Santos na sa gitna ng trahedya ay nararapat na maging tanglaw ng pag-asa ang Simbahan para sa mga nagdurusa.

“In these moments of darkness, the Church must be a light. Present, listening, and ready to help.”

Nagpaabot din siya ng mensahe ng pagkalinga sa libu-libong Pilipinong seafarers na patuloy na naglilingkod sa iba’t ibang panig ng mundo.

“To our seafarers, we remain with you. You are never alone. You are always remembered. You are always loved,” mensahe ni Bishop Santos.

Dalangin ng obispo na ipagkaloob ng Panginoon ang walang-hanggang kapayapaan sa mga nasawi, ganap na paggaling sa mga nasugatan, at lakas ng loob sa kanilang mga pamilya habang patuloy ding hiniling ang pagkakamit ng tunay at pangmatagalang kapayapaan sa mga lugar na apektado ng digmaan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,149 total reads

 8,149 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 62,539 total reads

 62,539 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 147,904 total reads

 147,904 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 194,641 total reads

 194,641 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 242,512 total reads

 242,512 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 343,388 total reads

 343,388 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top