90-percent ng kahilingan ng prosecution sa impeachment court, inaprubahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,028 total reads

Inihayag ni Akbayan Party-list Representative Jose Manuel “Chel” Diokno na pinagbigyan ng Senate Impeachment Court ang malaking bahagi ng mga kahilingan ng prosecution kaugnay sa pagkuha ng mga dokumentong may kinalaman sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Diokno na siya ring Lead Prosecutor para sa Article II ng Articles of Impeachment, na kabilang sa mga inaprubahan ng impeachment court ang paghingi ng bank records ng Bise Presidente at ng kanyang asawang si Atty. Manases “Mans” Carpio, mga tax records mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR), at mga dokumento mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

“Halos lahat ng hiniling ng prosecution ay pinagbigyan naman ng impeachment court. Ang nirequest po natin ay unang-una yung records ng bangko, mga bank accounts of the Vice President and her husband; pangalawa ay tax record naman nanggaling sa BIR; at pangatlo yung nanggaling naman sa Anti-Money Laundering Council,” Bahagi ng pahayag ni Diokno sa Radyo Veritas.

Ayon sa mambabatas, humigit kumulang 90% ng kanilang apela sa impeachment court ay pinahintulutan ng korte bukod lamang sa pagkuha ng foreign currency deposits at sa detalye sa dalawang kumpanya mula sa humigit-kumulang 20 kumpanyang nais nilang isama sa subpoena.

“But I would say mga 90+% ng nirerequest namin ay nakuha naman natin,” Dagdag ni Diokno.

Nilinaw rin ni Diokno ang isyu tungkol sa tinatawag na “BIR box” na naunang dinala ng BIR sa Committee on Justice ng House of Representatives noong nagsasagawa pa ito ng pagdinig na hindi binuksan ng komite upang ipasa sa Senado.

Paliwanag ni Diokno, “Kung maaalala natin yung BIR box, yan ay dinala ng BIR sa Committee on Justice sa House of Representatives nun pang naghi-hearing kami at ang naging pagpasya ng committee nun ay huwag nalang buksan at i-turn-over nalang sa Senate,”.

Pagbabahagi ni Diokno, ibinalik ng Senado ang naturang kahon sa BIR kaya’t wala na ito sa kasalukuyang usapin, kaya naghain muli ang prosecution ng subpoena upang direktang makuha mula sa BIR ang mga kinakailangang dokumento.

“Kaya nga kami ay nag-file ng subpoena sa BIR para makuha direkta mismo galing sa BIR yung mga kinakailangan natin na dokumento, yun ngayon yung request namin na pinagbigyan naman ng Impeachment Court,” Ani Diokno.

Ipinaliwanag din ng mambabatas na ang subpoena na inilabas noon ng Committee on Justice sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay para dalhin ang mga income tax returns ng mag-asawa, ngunit hindi nabuksan ang kahon na naglalaman ng mga impormasyon at nananatili itong nasa kustodiya ng BIR matapos na ibalik ng Senado.

“Yung subpoena na inilabas ng Committee on Justice noon ay para dalhin yung mga income tax returns ng mag-asawa ni Vice President at Atty. Mans Carpio pero hindi nga nabuksan yung box na yun at ngayon nasa kustodiya na uli ng BIR,” Pagtatapos ni Diokno.

Ayon sa mambabatas, mauunang siyasatin ang usapin ng confidential funds ng bise presidente kung saan may ilang testigo din ang mga sasalang na testigo kaugnay nito, bago muling matalakay ang Article II ng Articles of Impeachment na may kaugnayan sa unexplained wealth.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 209,904 total reads

 209,904 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 244,577 total reads

 244,577 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 260,477 total reads

 260,477 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 296,967 total reads

 296,967 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 303,102 total reads

 303,102 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 46,421 total reads

 46,421 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top