Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Stop EKJ at martial law, panawagan ng CLAMOR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 368 total views

Pinagsama-samang tinig ng mga lider ng magsasaka, indigenous people at kinatawan ng simbahang katolika ang namayani sa paglulunsad ng CLAMOR Movement o Coalition for Land, Against Martial Law and Oppression sa Catholic Bishops Conference of the Philippines, Intramuros, Manila.

Ayon kay Bishop Deogracias Iñiguez, isa sa convenor ng CLAMOR, parehong pambihira at magandang pagkakataon ang pagtitipon ng iba’t ibang sektor upang itaguyod ang kanilang karapatan hinggil sa mga napapanahong usapin sa lipunan partikular na ang isyu sa lupa at ang umiiral na Batas Militar.

“Isang napakalaking bagay na magkasama-sama yung mga tao para ipahayag yung kanilang mga hinahangad o kanilang mga pinapangrap at matingnan ang kanilang mga karapatan at sama-samang maitaguyod ito. Yun ang mahalagang nagaganap dito sa CLAMOR na talagang maraming mga grupo ang nagkaisa para sa isang layunin at para sa mga magsasaka, para sa injustice ng mga EJK kaugnay ng posibleng paglaganap ng Martial Law which is form of tyranny,” pahayag ni Bishop Iñiguez.

Kasabay ng pagtutol sa diktadurya at opresyon, layunin din ng inilunsad na CLAMOR Movement na bigyang-pansin at tutukan ang usapin hinggil sa genuine agrarian reform, libreng pamamahagi ng lupa at ang walang habas na pagpatay sa mga magsasaka sa iba’t ibang rehiyon.

Sa tala ng CLAMOR, pito sa bawat sampung magsasaka ang nananatiling walang lupa at patuloy na nakararanas ng kahirapan at pagkagutom samantalang mahigit sa 80 na ang kabuuang bilang ng mga magsasaka ang napapaslang buhat noong naluklok sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte hanggang Agosto 2017.

Binigyang-diin ng grupo na malinaw na pagtataksil sa pangako ng pangulo sa genuine agrarian reform ang pagbasura ng Commission on Appointments kay Rafael Mariano bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform na pangunahing nagsusulong ng nasabing adhikain.

Patuloy namang ipinaalala ni Pope Francis sa mga namumuno sa bawat bansa na pangalagaan ang karapatan ng maliliit na tao at indigenous groups sa lupang kanilang tinubuan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 27,676 total views

 27,676 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 73,399 total views

 73,399 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 75,609 total views

 75,609 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 148,007 total views

 148,007 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 158,657 total views

 158,657 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 95,146 total views

 95,146 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 279,406 total views

 279,406 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top