Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Storm heaven’s with prayers for Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

 486 total views

Umaapela ang Archdiocese of Manila na ipanalangin ang paggaling mula sa COVID-19 ng dating Arsobispo ng Maynila na si Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples Luis Antonio Cardinal Tagle.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, bagamat asymptomatic ay mahalagang ipanalangin ng bawat isa ang mabilis at ganap na paggaling ni Cardinal Tagle mula sa sakit.

Pagbabahagi ng Obispo, wala pa ring sapat na impormasyon ang arkidiyosesis sa kasalukuyang kinaroroonan at dahilan ng pag-uwi ng Cardinal sa Pilipinas na nagpositibo sa COVID-19 pagdating ng bansa.

Iginiit ni Bishop Pabillo na mahalaga ang pananalangin upang maipadama sa Cardinal ang pagmamahal at pakikibahagi sa gitna ng kanyang pagsailalim sa quarantine dahil sa COVID-19.

“Nananawagan po tayo sa lahat na ipagdasal natin ang ating mahal na Cardinal Chito Tagle na dumating dito sa bansa. Samahan natin siya sa ating panalangin. Hindi po natin alam kung saan siya naka-quarantine pero alam naman natin na siya ay nasa mabubuting kamay. Mabuti naman po at siya ay asymptomatic ibig sabihin sana po ay mild lang ang kanyang pagkaka-COVID…” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Bilang isa ring COVID-19 survivor, hinikayat ni Bishop Pabillo si Cardinal Tagle na gamitin ang panahon ng kanyang pagsailalim sa mandatory quarantine upang makapagpahinga mula sa mga kanyang mga tungkulin at gawain.

Paliwanag ng Obispo, maituturing din itong isang pagkakataon upang ganap na makapagnilay sa mga nagaganap sa daigdig ngayong panahon ng pandemya.

“Maipapayo natin na to take it easy hindi naman siguro malala kasi asymptomatic naman siya ibig sabihin malakas naman ang kanyang immune system, kaya he can take it and take this time as panahon ng pagpapahinga baka marami siyang trabaho ngayong quarantine mapipilitan siyang magpahinga kaya it also an opportunity to rest and to pray…” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Naunang nanawagan ang mga opisyal ng Simbahang Katolika sa mga mananampalataya na ipagdasal ang mabilis na paggaling ni Cardinal Tagle sa sakit.

read: https://www.veritas846.ph/cardinal-tagle-positibo-sa-covid-19/
https://www.veritas846.ph/isama-sa-panalangin-at-mass-intentions-ang-paggaling-ni-cardinal-tagle-sa-covid-19/

Matatandaang Pebrero ng kasalukuyang taong 2020 ng umalis patungong Roma si Cardinal Tagle upang gampanan ang kanyang bagong tungkulin bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.

Itinalaga naman ni Pope Francis si Bishop Pabillo na siya ring Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity bilang taga-pangasiwa ng Arkideyosesis ng Maynila.

Sa kasalukuyan si Cardinal Tagle na ang ika-apat na Obispo ng Simbahang Katolika na nagpositibo sa COVID-19 kasunod ni Bishop Pabillo, Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez at Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na yumao dahil sa kumpikasyon mula sa sakit noong ika-26 ng Agosto.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 8,898 total views

 8,898 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 28,822 total views

 28,822 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 34,867 total views

 34,867 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 43,391 total views

 43,391 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 51,150 total views

 51,150 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top