Street dwellers sa Cebu, binigyan ng matutuluyan ng Basilica Minore del Santo Santo Niño

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 577 total reads

April 21, 2020, 12:45PM

Pinaigting ng Basilica Minore Del Santo Niño De Cebu ang pagtulong sa mamamayan ng lalawigan na apektado ng community quarantine.

Ayon kay Fr. Aladdin Luzon, OSA, ang Director ng Santo Nino de Cebu Augustinian Social Development Foundation, Inc, nakipagtulungan ang mga Agustinong pari sa mga institusyon upang mabigyang kalinga ang mga walang tahanan bilang tugon sa panawagang stay at home policy.

“To all those have reach out to us as partners and donors thank you for giving us this opportunity as a channel or a hub for solidarity,” pahayag ni Fr. Luzon sa Radio Veritas.

Sa pangunguna ng Agustinian Relief Services, tinulungan nito ang mga street dwellers na walang masilungan partikular sa mga barangay na nasa paligid ng basilica.

Mahigit sa isandaan ang bilang ng mga walang tahanan ang kinalinga sa San Roque gymnasium kung saan ang Basilica ang nangangasiwa sa pagpapakain, at pagbibigay ng pangunahing pangangailangan habang nakataas pa ang enhanced community quarantine (ECQ).

Magugunitang halos 200 kaso ng covid 19 sa central visayas, 179 dito ay mula sa lalawigan partikular sa independent city of Cebu.

Labis ang pasasalamat ng mga pari sa mga grupo at institusyon na tumugon sa pangangailangan ng kapwa tulad ng Ramon Aboitiz Foundation, Inc (RAFI) na nagbibigay ng pagkain sa mga kinakalingang indibidwal.

Tiniyak ni Fr. Luzon ang patuloy na suporta sa mga kinanlong na mga residente at maging sa iba pang mamamayan ng lalawigan na apektado ng krisis.

Ayon sa pari na hindi maisasakatuparan ang paglingap sa mga nangangailangan kung hindi nakiisa mga grupo na katuwang ng simbahang katolika.

“Our relief operations will never be possible without your assistance, we would like to tell you that through this, the Church is journeying the people of God especially those who are suffering because of this pandemic,” giit ni Fr. Luzon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 12,584 total reads

 12,584 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 51,942 total reads

 51,942 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 87,242 total reads

 87,242 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 313,511 total reads

 313,511 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 206,139 total reads

 206,139 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top