‘Street evangelization’, dapat pangunahan ng kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 530 total views

Hinikayat ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kabataan na maging bahagi sa pagpapalaganap ng pananampalataya.

Ito ang paanyaya ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa mga kabataan na nais maglingkod sa simbahan.

Ang mensahe ni Bishop Mallari ay kasabay na rin ng pagtatapos ng Synod of Bishops on Youth at ang pagsisimula naman ng pagdiriwang ng simbahan katolika sa Pilipinas ng ‘Year of the Youth’.

“Marami silang magagawa. They have so much energy na nasa kanila sana habang bata sila they got involve and do what they can for the church,” ayon kay Bishop Mallari.

Ayon sa obispo, hindi na dapat pang hintayin ng mga kabataan ang kanilang pagtanda bago lumahok sa mga gawain at parokya ng simbahan.

Ito ay sa pamamagitan ng social communications, street evangelization bukod sa pagiging miyembro ng Knights of the Altar at church choir.

“Sa social communications, evangelizing through media marami silang puwede nilang magawa. ‘Yung isa sa mga gusto sana nating i-introduce sa mga kabataan through YouCat Philippines ay yung street evangelization,” ayon pa kay Bishop Mallari.

Dagdag pa ng Obispo; “Yung mga kabataan talaga they go out yung ipakita nila yung pwede nilang magawa yung iba pwede silang tumulong sa pagpaint sa mga walls puwede silang mag paint ng mga magagandang messages sa mga walls instead of graffiti lang. Kundi yung mga messages yung mga good messages challenging people to change, for renewal.”

Read: Cardinal Tagle sa Synod on Youth: ‘The Youth will unify us!

Sa mensahe ni Manila archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pagtatapos ng synod sa Vatican, hinikayat ang bawat isa na maging kalakbay ng kabataan sa kanilang karanasan, kabiguan at maging sa kanilang tagumpay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 36,178 total views

 36,178 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 110,792 total views

 110,792 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 190,871 total views

 190,871 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 234,010 total views

 234,010 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 232,930 total views

 232,930 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top