Venerable Bishop Obviar – Nawa’y maging huwaran sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 746 total reads

Nawa’y maging huwaran ang buhay ni Bishop Alfredo Obviar sa bawat mananampalatayang Katoliko.

Ito ang pahayag ni Mother Adelwisa Eguia, MCST ang Superior General ng Missionary Catechists of St. Therese of the Infant Jesus kaugnay sa pagkilala ng Kaniyang Kabanalan Francisco bilang ‘venerable’ sa namayapang Obispo.

“Siya talaga ay ating maging huwaran pagkat ito po ang kailangang-kailangan natin sa panahon ngayon na tayo ay maging mga taong nananalangin nagdarasal, handang tanggapin at magtiis sa mga paghihirap,” bahagi ng pahayag ni Mother Eguia sa Radio Veritas.

Ayon sa madre, ito ang naging buhay noon ni Bishop Obviar na itinalaga ang buhay sa paglilingkod sa Panginoon at sa kapwa.

Nagpasalamat din si Mother Eguia sa mga mananampalataya na nananalangin dahil nagsimula na ang proseso upang maibilang sa mga Banal ng Simbahang Katolika ang Obispo.

“Magkakaroon ng massive promotion not only here in our local diocese kundi sa buong Pilipinas at lalo po naming pag-ibayuhin ang pagpo-promote ng kaniyang beatification.” dagdag ng madre.

Ika-8 ng Nobyembre ng nilagdaan ni Pope Francis ang kautusan kung saan idineklara bilang ‘venerable’ si Bishop Obviar dahil sa natatanging paglilingkod sa sambayanan ng Diyos at pagsunod sa mga turo ng Simbahan.

Dahil dito dalawang hakbang na lamang ay ganap nang maging Santo ang Obispo na batay sa proseso pagkatapos ideklarang Venerable susunod na dito ang pagiging Blessed kung may mapatutunayang milagro sa tulong ni Bishop Obviar at pinakahuli ang Canonization kung mapagtibay ng isa pang milagro sa tulong ng namayapang Obispo bago ito opisyal na ideklarang Santo.

Ayon pa sa madre na isang magandang pagkakataon ang pagkakadeklarang ‘venerable’ ni Bishop Obviar lalo’t ipinagdiriwang ngayon ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang taon ng mga pari, madre, relihiyoso at mga taong nagtatalaga ng buhay sa Panginoon.

Ika-12 ng Agosto 1958 ng itinatag ni Bishop Obviar ang Missionary Catechists of St. Therese of the Infant Jesus, kongregasyon ng mga madre na layong mas palawakin at palaganapin ang pagtuturo ng mga aral at turo ng Simbahang Katolika sa pamamagitan ng katesismo.

Pagbabahagi ni Mother Eguia, kasalukuyang may 273 madre ang MCST na naglilingkod sa buong mundo at patuloy na isinasabuhay ang gawain noon ng kanilang tagapagtatag.

Dagdag pa ng madre; “Lalo na po ang Christian formation na talagang mahubog ang mga tao ng pagmamahal sa Diyos at ito po ay maisabuhay nila sa araw-araw sa kanilang pamilya, sa kanilang pamayanan at sa lahat ng lugar na kanilang ginagalawan at ito nga po ang vision namin thru catechesis and evangelization.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 59,739 total reads

 59,739 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 108,726 total reads

 108,726 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 156,598 total reads

 156,598 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 260,544 total reads

 260,544 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 343,689 total reads

 343,689 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top