Hatol laban sa dating Unang Ginang, katarungan para sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 498 total reads

Ikinatuwa ng Obispo ang desisyon ng korte laban kay dating unang Ginang Imelda Marcos.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, nagkaroon na ng resulta ang paghahanap ng katarungan ng mamamayan sa pamilya Marcos noong panahong umiiral ang Martial Law sa ilalim ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

“Magandang balita yan na na-convict siya [Ginang Marcos] pero medyo nakakalungkot dahil ang tagal gumulong ng katarungan, pero atleast mayroong resulta,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Umaasa ang Obispo, na tuluyang panagutan ni Ginang Marcos ang mga kasong isinampa laban sa kaniya dahil sa haba ng panahon ng paghahanap ng katarungan ng mga Filipino lalo na ang mga biktima ng pang-aabuso noong panahon ng Martial Law.

Sa inilabas na desisyon ng Sandiganbayan nitong ika – 9 ng Nobyembre, hinatulang ‘guilty’ si Ilocos Norte 2nd District Representative Imelda Marcos ng 7 kaso ng pandarambong habang nanilbihan ito sa pamahalaan noong 1968 hanggang 1986.

Ibinahagi ni Lead Prosecutor Rey Quilala na aabot sa 200-milyong dolyar ang pera ng taumbayan ang ginamit ni Marcos sa mga pribadong organisasyon sa Switzerland.

Sa hatol ng korte makukulong ng anim na taon, isang buwan at labing-isang araw ang mambabatas sa bawat kasong isinampa laban sa kaniya at wala na rin itong karapatan na humawak ng kahit anong posisyon sa pamahalaan.

Binigyang diin ni Bishop Pabillo, ang Chairman ng Episcopal Commission on the Laity ng CBCP na magsilbing aral ito sa lahat ng mga umaabusong opisyal sa kapangyarihan.

“Sana magsilbing leksyon din sa mga politiko natin na may katarungang dadating pero sana darating din ang pagpapanagot sa kanila,” ayon sa Obispo.

Hinimok din ng Obispo ang mga kawani sa pangkatarungang sangay ng pamahalaan ang mabilisang paglutas sa mga kasong nakabinbin sa mga korte upang makamit ng mga biktima ang katarungan.

Batay nga sa ensiklikal ni Pope John XXIII na Pacem In Terris o On Establishing Universal Peace In Truth,
Justice, Charity, and Liberty , binigyang diin dito na nararapat umiral sa lipunan ang katarungan at ang paggalang sa karapatan ng bawat mamamayang nasasakupan tungo sa isang malaya at nagtutulungang lipunan na may pagkakapantay-pantay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 53,497 total reads

 53,497 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 102,832 total reads

 102,832 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 150,703 total reads

 150,703 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 254,652 total reads

 254,652 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 338,091 total reads

 338,091 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top