Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Suporta sa mga nagpapakain sa atin

SHARE THE TRUTH

 533 total views

Mga Kapanalig, kumusta ang pamimili ninyo sa palengke? Anu-ano ang nabibili ninyo sa dala ninyong badyet? Nakahanap na ba kayo ng bigas na bente pesos kada kilo? Ilang isda o piraso ng gulay ang kasya sa badyet ninyo?  

Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang nangunguna lagi sa listahan ng mga isyung nais ng publikong tutukan ng gobyerno. Isang taon mula nang manungkulan si Pangulong BBM, ang pagkontrol sa inflation o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga produkto, lalo na ng pagkain, ang top concern ng mga Pilipino, ayon sa survey na isinagawa ng Pulse Asia.  

Malaking hamon ito sa kasalukuyang administrasyon lalo na’t lumalabas na isa ang Pilipinas sa mga bansang pinakalantad o “most at risk” sa tumataas na presyo ng pagkain. Ayon iyan sa Nomura Food Vulnerability Index. Limampu sa mga bansang pinaka-vulnerable o kulang ang kakayahang makayanan o harapin ang tumataas na presyo ng pagkain ay tinatawag na emerging market economies. Kasama rito ang Pilipinas. 

Hindi raw nakatutulong na malaki ang ating pagdepende sa pagkaing inaangkat mula sa ibang bansa. Ito nga ang pangunahing estratehiya ng pamahalaan upang impluwensyahan ang presyo ng mga bilihin; kapag mas marami kasi ang suplay ng iba’t ibang uri ng pagkain, maasahang magiging stable—kung hindi man bababa—ang presyo ng mga ito sa pamilihan.  

Sa darating na Oktubre nga, papasok ang nasa 35,000 metriko toneladang galunggong mula sa ibang bansa. Ito raw ay para mapunan ang kakulangan natin sa galunggong ngayong closed fishing season na ipinatutupad upang hindi raw maubos ang mga isda sa sarili nating mga karagatan. Sa pagitan naman ng Nobyembre ngayong taon at Enero ng susunod na taon papasok ang halos kalahating milyong metriko toneladang bigas na aangkatin natin mula sa ibang bansa. Ang pag-aangkat ng bigas ay para daw punan naman ang inaasahang pagkasira ng mga tanim na palay dahil sa El Niño. Isa na nga tayo sa may pinakamaraming binibiling bigas mula sa ibang bansa. 

Pilit na pinahuhupa ng gobyerno ang mga pangambang mayroon tayong krisis sa pagkain. Ginagawa raw nito ang lahat upang tiyaking may pagkain sa ating mga mesa, lalo na para sa tinatayang 5.3 milyong Pilipinong walang pagkain o hindi nakakakain. (Ang datos na iyan ay mula sa United Nations Food and Agriculture Organization.) Ipinagmamalaki ng gobyerno ang mga Kadiwa stores kung saan sinasabing mas mura ang mga bilihin dahil sinasalo ng gobyerno ang gastos sa transportasyon upang madala ang mga produkto ng mga magsasaka sa mga tindahang ito. Ngunit hindi sasapat ang mga ito sa harap ng bultu-bultong produktong inaangkat nating lantad naman sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Hindi madaling resolbahin ang problema natin sa pagkain, ngunit magsimula sana ang gobyerno sa pagtulong sa ating mga magsasaka at mangingisda. Matagal na nilang panawagan ang sapat at tuluy-tuloy na suporta upang mapalago ang kanilang ani nang hindi sila nababaon sa utang para sa abono at iba pang mga kailangan nila. At ang tulong na ito ay dapat makarating sa kanila sa lalong madaling panahon at sa malinis na paraan—walang bawas, walang katiwalian. Ang pagtugon sa problema natin sa pagkain ay mahalaga sa pagtataguyod ng karapatan natin sa pagkain, isang karapatang sandigan ng ating dignidad bilang mga tao. 

Mga Kapanalig, ipinagkakaloob ng Diyos ang lahat ng ating mga pangangailangan, wika nga sa Filipos 4:19. Kasama sa mga pangangailangang ito ang pagkain, at katuwang natin sa pagkamit nito ang ating mga magsasaka at mangingisda. Kung gaano kasigasig ang gobyernong bumili ng pagkain sa ibang bansa, ganoon din sana ito sa pag-aabot ng tulong sa mga kababayan nating kumakayod upang tayo ay may makain.  

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 13,587 total views

 13,587 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 22,255 total views

 22,255 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 30,435 total views

 30,435 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 26,462 total views

 26,462 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 38,513 total views

 38,513 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 13,588 total views

 13,588 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Functional Literacy Crisis

 22,256 total views

 22,256 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 30,436 total views

 30,436 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kinabukasan

 26,463 total views

 26,463 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 38,514 total views

 38,514 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 55,457 total views

 55,457 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 84,462 total views

 84,462 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 105,026 total views

 105,026 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 86,951 total views

 86,951 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,732 total views

 97,732 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,788 total views

 108,788 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,650 total views

 72,650 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 61,079 total views

 61,079 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 61,301 total views

 61,301 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 54,003 total views

 54,003 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top