Suportahan ang “charity works” ng Caritas Manila, panawagan ng Vicar General ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,726 total reads

Ayon kay archdiocese of Manila ‘ Vicar General Fr. Reginald Malicdem, bagamat maraming grupo at institusyon ang tumutulong sa pamayanan natatangi ang pagmamalasakit ng social arm ng arkidiyosesis sa mga nangangailangan.

“Kaya mahalaga yung ginagawa ng Caritas Manila dahil yung pagtulong ay hindi lamang simpleng social work dahil ito ay bunga ng pananalig at pagtupad sa utos ng Diyos na magmahal sa kapwa,” pahayag ni Fr. Malicdem sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng pari na ang buod sa gawain ng Caritas Manila ay pag-ibig at kawanggawa na pinakapuso ng turo ni Hesus.

Sa ginanap na Caritas Manila Alay-Kapwa Telethon hinimok ni Fr. Malicdem ang mamamayan na makiisa sa mga gawain at proyekto ng simbahan bilang pagtupad sa utos ng Panginoon.

“Yung pagmamahal pinapakita natin sa paglilingkod at sa pagtulong lalong-lalo na sa ating mga kapatid na nangangailangan,” ani Fr. Malicdem.
Batid ng opisyal na sa pitong dekadang paglilingkod ng Caritas Manila ay patuloy ang paglawak ng mga programa upang tugunan ang pangangailangan ng mamamayan kaya’t buo ang suporta ng arkidiyosesis sa mga proyekto ng social arm.

Layunin ng telethon na makalikom ng llimang milyong piso para sa disaster at relief response ng simbahan sa mamamayang maapektuhan ng anumang uri ng kalamidad.

Paanyaya ni Fr. Malicdem sa mananampalataya na pabanalin ang pagdiriwang ng mga Mahal na Araw sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga charity work ng simbahan tulad ng layunin ng Alay-Kapwa telethon.

“Ang ating pagsuporta sa Alay-Kapwa telethon ng Caritas Manila ay pagpapahayag ng ating pag-ibig sa Diyos at pag -big sa kapwa. Gawin nating holy o banal ang linggong ito dahil sa ating pag-ibig at yung pag-ibig na yun ay maipakikita natin sa pagtulong at paglilingkod sa ating kapwa,” giit ni Fr. Malicdem.

Gayunpaman bagamat isang araw lamang ang nakatalaga sa telethon tiniyak ng Caritas Manila na bukas ito anumang oras para sa mga nais magpaabot ng tulong sa kapwa sapagkat ang institusyon ay instrumento sa pagpadaloy ng biyaya sa mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 118,980 total reads

 118,980 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 153,657 total reads

 153,657 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 176,087 total reads

 176,087 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 212,573 total reads

 212,573 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 223,417 total reads

 223,417 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tao, dapat pangalagaan ng simbahan at hindi AI

 3,687 total reads

 3,687 total reads Nagbabala ang isang pari na maaaring maging mas “artipisyal” ang tao kaysa sa artificial intelligence kung hindi mapangangalagaan ang kanyang pagkakakilanlan, dignidad at

Read More »
Scroll to Top