Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pag-aalalá sa climate change

SHARE THE TRUTH

 228 total views

Mga Kapanalig, nitong nakalipas na tatlong taon, napansin mo bang mas mainit at maalinsangan kapag panahon ng tag-init? O kaya naman, nalubog na ba ang inyong bahay sa bahang dala ng tuluy-tuloy na pag-ulan? May nasira ba sa inyong bahay nang daanan ang inyong lugar ng malakas na bagyo o kaya naman ay niragasa ng putik dahil naman sa landslide? 

Kung “oo” ang inyong sagot, isa kayo marahil sa siyam sa sampung Pilipinong nagsabing naramdaman nila ang epekto ng krisis sa ating klima nitong nakaraang tatlong taon. Ito ang lumabas sa isang survey na ginawa ng Social Weather Stations (o SWS) kung saan tinanong nila ang mga lumahok kung mayroon silang personal na karanasan ng mapaminsalang epekto ng climate change. Lumabas ang resulta ng survey ng SWS matapos isapubliko ng United Nations ang report nitong nagsasabing lubhang mabilis kaysa sa inaasahan ang tinatawag na climate impacts habang mas lumalapit tayo sa 1.5 degree Celsius na warming limit.2 Maaari nating sabihing maliit lamang ang 1.5 degree Celsius na pag-init, ngunit sa totoo lang, malaki at malalim ang epekto nito sa pandaigdigang klima. 

Hindi lamang matinding init o mapaminsalang bagyo ang mga epekto ng climate change. Ang mas mainit na daigdig ay nagdudulot din ng malawakang tagtuyot na sumisira sa kabuhayan at pagtaas ng nibel ng tubig-dagat o sea level rise na sumisira sa mga dalampasigan. Banta rin sa kalusugan ng tao at katiyakan sa pagkain ang climate change 

Sa kabila ng pagdanas ng mga epekto ng climate change, walo sa sampung Pilipino naman, dagdag pa rin ng SWS, ang naniniwalang may magagawa pa rin upang mabawasan ang panganib na dala ng nagbabagong klima. Tatlo sa apat naman ang nagsabing kaya pa ng sangkatauhan na pabagalin—kung hindi man tuluyang pigilan—ang climate change kung susubukan lamang natin. Ilan sa mga binanggit na solusyon ay malawakang pagtatanim ng mga puno, pagtitipid sa paggamit ng kuryente, pagre-recycle, at pagbawas sa paggamit ng pribadong sasakyan. 

Ngunit hindi lamang nakasalalay sa mga indibidwal ang pagtugon sa climate change. Mahalagang maunawaan nating bagamat malaking tulong ang pagkakaroon natin ng tinatawag na lifestyle change, dapat ding pagtuunan ng pansin—at tunay na baguhin—ang mga balangkas sa ating lipunang hinahayaan ang mga sakim sa perang sirain ang ating kalikasan para sa kanilang kapakinabangan. Maraming industriyang konektado sa mga mayayamang tao at angkan gayundin sa mga korporasyong nakabase sa mayayamang bansa ang sumisira sa ating kagubatan at karagatan, lumalason sa hangin at tubig, at nagdudulot ng polusyon. Kabilang rito ang malalaking minahan at logging companies na sumisira sa mga kagubatan, mga transportasyong gumagamit ng langis at nagdudulot ng polusyon sa hangin, at mga negosyong gumagamit ng napakaraming tubig o nagtatapon ng nakalalasong kemikal sa ating mga ilog at dagat. 

Sanga-sanga ang mga sanhi ng climate change—mula sa mga pinipili nating mga indibidwal hanggang sa mga malalaking industriyang may pandaigdigang epekto. Mula sa lente ng ating pananampalataya, sinasalamin ng ating mga gawaing nagdudulot ng climate change ang kawalang-galang natin sa ating Diyos at sa biyayang Kanyang ipinagkaloob sa atin. Sa isang pahayag pa noon, sinabi ni Pope John Paul II na ang paggalang sa buhay at sa dignidad ng tao ay dapat umabot din sa iba pang nilikhang inaanyayahang sumama sa tao sa pagpuri sa Diyos. Ang climate change ay bunga ng lantaran nating pagtalikod sa Diyos, ng ating pag-suway sa katuruan ng Diyos, wika nga sa Isaias 24:5.  

Mga Kapanalig, mabuting nag-aalala tayo sa mga epekto ng climate change, ngunit magtulak sana ito sa ating magkaroon ng pagbabago sa ating mga sarili at pagpapanagot sa mga nasa poder na hinahayaang masira ang ating kapaligiran. 

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 31,437 total views

 31,437 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 38,918 total views

 38,918 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 52,058 total views

 52,058 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 58,031 total views

 58,031 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 63,784 total views

 63,784 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 31,438 total views

 31,438 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 38,919 total views

 38,919 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 52,059 total views

 52,059 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 58,032 total views

 58,032 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 63,785 total views

 63,785 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 42,307 total views

 42,307 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 43,391 total views

 43,391 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 38,772 total views

 38,772 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 50,776 total views

 50,776 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 58,818 total views

 58,818 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 50,375 total views

 50,375 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 48,800 total views

 48,800 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 50,586 total views

 50,586 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 47,511 total views

 47,511 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 61,825 total views

 61,825 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top