2,841 total views
Magtatanim ng 120,000 mga puno sa Palawan bilang pagdiriwang ng 400-taon ng kristiyanismo sa lalawigan.
Ayon kay Fr. Ed Pariño Social Action Center (SAC) director ng Taytay, Palawan simula nang manalasa ang bagyong Yolanda taong 2013 ay madalas nang nakakaranas ang lalawigan ng malalakas na bagyo na nakakapinsala sa isla ng Palawan.
“We are celebrating 400 years so we are committed to each parish to plant 400 trees. So meron kaming 30 parishes and missionary stations, therefore, we will be able to plant 120,000 thousand trees this year,” ayon kay Fr. Ed Pariño sa panayam ng Radio Veritas.
Isa rin sa malaking suliranin sa Palawan ay ang patuloy na pagpuputol ng puno o illegal logging.
Ayon sa ulat sa loob ng 20 taon mahigit 1.29 milyong ektarya ng puno ang nasira sa Palawan.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng mga programa ng SAC upang pigilan ang illegal logging sa lalawigan.
“So, doon po kami nag start para mabawasan ng kaunti yung ating mga illegal loggers turuan naman natin sila mag farm ng mabuti. Yun po yung ginawa namin so kaya nababawas-bawasan. So, sa environmental protection nag-introduce po kami with the help of Bishop Broderick Pabillo,” ayon pa kay Fr. Ed Pariño.
Taong 1622 ng dalhin ng misyonerong Agustino ang pananampalataya sa Palawan.
Agosto noong nakalipas na taon ng ilunsad ng lalawigan ang buong taong pagdiriwang ng ika-400 taon ng Kristiyanismo sa Palawan.