Synodal process, magpapasigla sa komunidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,024 total reads

Naniniwala si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo na lalong magpapasigla sa kristiyanong komunidad ang isinasagawang synodal process ng simbahang katolika. Ito ang mensahe ng obispo kaugnay sa ginanap na sinodo sa bikaryato na nilahukan ng mga pari at layko.

Ayon kay Bishop Pabillo mahalaga ang pagtitipon sapagkat ito ang pagkakataong makasalamuha ng pamayanan ang isa’t isa upang alamin ang kani-kanilang kalagayan sa mga komunidad na kinabibilangan.

“Ang synod ay isang experience of encounter. We encounter one another because we believe that in one another we encounter the Spirit of Christ who guides the Church through each one,” pahayag ni Bishop Pabillo.

Binigyang diin ni Bishop Pabillo ang kahalagahan ng pakikinig at pag-alam sa kalagayan ng kapwa upang bilang simbahan ay matulungan ang kanilang pangangailangan.

Batay sa panawagan ni Pope Francis sa Synod on Synodality hinikayat ang simbahan na hingin at pakinggan ang hinaing ng iba’t ibang sektor sa lipunan kabilang na ang hindi kasapi sa simbahang katolika.

Sinabi ni Bishop Pabillo na sa ganitong paraan ay mas naipapahayag ng simbahan ang misyon na dalhin si Kristo sa bawat pamayanan.

“Ang encounter na ito ay nagdadala ng pagpapanibago sa atin. Ito ay mas lalong nagbibigay ng sigla sa ating buhay kristiyano at sa ating misyon,” ani Bishop Pabillo.

Inaasahan sa Abril isusumite ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang preparatory document sa Vatican upang ihanda sa gaganaping Synod of Bishops sa October 2023.

Magugunitang inilunsad ni Pope Francis ang Synodal Process sa Vatican noong Oktubre 2021 na layuning pagkaisahin ang simbahan sa paglalakbay bilang iisang katawan ni Kristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 125,466 total reads

 125,466 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 262,553 total reads

 262,553 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 378,329 total reads

 378,329 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 493,614 total reads

 493,614 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top