Taas-presyo ng mga pangunahing bilihin, kinundena ng CWS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 996 total reads

Kinundena ng Church People Workers Solidarity ang pagpapahintulot ng Department of Trade and Industry sa taas-presyo ng ilang pangunahing bilihin.

Nanindigan si Elmer Labog, co-chairperson ng CWS na hindi napapanahon ang price hike sa presyo ng mga pagkain na magdudulot ng dagdag-pasanin sa mga mahihirap.

Ipapatupad ang price hike sa gitna ng mataas na inflation rate noong nakaraang buwan ng Hulyo na umabot sa 6.4-porsiyento at unemployment rate na naitala sa higit 3-milyon noong buwan ng Hunyo.

“Mariin naming kinukundena ang panibagong pagpapahirap na ito sa ordinaryong mamamayan. Hindi na nga makaagapay talaga ‘yung kita ng mga manggagawa, malaki ang bilang ng unemployed, parang walang konsiderasyon ang panibagong patakaran na ito ng DTI,” pahayag ni Labog sa panayam ng Radio Veritas.

Nangangamba rin si Labog na lalong lalala ang kagutuman sa bansa dahil sa pagtataas ng presyo ng mga bilihin.

Iminungkahi naman ni Labog sa pamahalaan na bigyan ng financial aid ang mga mahihirap upang makasabay sa mataas na inflation.

Sinabi ng opisyal ng CWS na sa pamamagitan ng financial aid ay mapapalakas din ang sektor ng kalakalan dahil makakabili na ng kanilang pangangailangan ang mahihirap na mamamayan.

Bagamat wala pang petsa ang implementasyon ng price hike ay inihayag ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na masusing pinag-aaralan ng Kagawaran ang 10-porsiyentong price hike sa presyo ng canned goods, instant noodles, instant coffee, gatas at asukal.

Nakasaad sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika na laging isaalang–alang ang mga mahihirap sa anumang paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,667 total reads

 13,667 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,776 total reads

 14,776 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 30,128 total reads

 30,128 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,505 total reads

 67,505 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 98,775 total reads

 98,775 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 174,105 total reads

 174,105 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 266,873 total reads

 266,873 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top