Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tama ba ang iyong mga pinili?

SHARE THE TRUTH

 1,991 total views

Mga Kapanalig, eksaktong isang taon sa araw na ito nang piliin natin ang mga taong nais nating manungkulan sa pamahalaan. Kung nanalo ang iyong mga ibinoto, masasabi mo bang tama ang iyong mga pinili?

Malapit na ring mag-isang taon sa gobyerno ang mga nanalo sa halalan, at magandang pagkakataon ito upang suriin natin kung saan na nila tayo dinala o planong dalhin ang ating bayan. Sa kanilang mga patakarang isinusulong, kaninong interes ba ang kanilang pinanigan? Sa kanilang pagtupad sa kanilang tungkulin, sila ba’y naging matapat at malinis? Sa mga paninindigan nila sa mahahalagang isyu, malinaw ba ang paggalang nila sa mga karapatan at dignidad ng tao? Bilang mga Kristiyano, pagnilayan natin kung ang paraan ba ng kanilang pamumuno ay katulad ng paglilingkod ni Hesus na naging matapang sa pagpuna sa mga tao at institusyong nagdudulot ng kawalan ng katarungan ngunit tulad ng isang mabuting pastol ay mahabangin sa mga taong nagkakasala at hinuhusgahan ng lipunan?

Mainam ring suriin ang ating mga pinuno—lalo na ang mga nasa pambansang posisyon—batay sa kanilang mga pananaw at aktwal na ikinilos o pasya patungkol sa dalawang bagay: ang pagbubuo ng ating bayan o nation-building at ang pagpapatatag ng ating demokrasya o democratic consolidation. Mahalaga ang mga ito lalo na’t, bilang isang bansa, paigting nang paigting ang ating ugnayan sa iba pang mga bansa. Haligi rin ang antas ng pagiging isang bayan natin at ang kalidad ng ating demokrasya ng pagtugon natin sa kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay.
Kung nation-building ang pag-uusapan, masasabi ba nating napagkakaisa tayo ng ating mga lider upang magkaroon tayo ng malinaw na pagkakakilanlan o identity bilang mga Pilipino, bilang mga mamamayan ng bansang Pilipinas? O nagiging dahilan ba sila upang higit tayong magkanya-kanya? Mukhang sa aspetong ito ay malayu-layo pa ang ating tatahakin para masabi nating lahat ay Pilipino “sa isip, sa salita, at sa gawa,” na ang problema ng Bangsamoro ay problema rin ng mga taga-Luzon, na ang pangarap ng mga kapatid nating lumad ay pangarap din ng mga Kristiyano. Pagnilayan natin ito, mga Kapanalig, lalo na’t patuloy ang kampanya para sa pederalismo na, sa isang banda, ay maaaring magbigay ng kapangyarihan sa mga taong magpasya para sa kanilang sarili, habang sa kabilang banda naman ay maaari itong gamiting instrumento ng mga maimpluwensiyang political dynasties upang mapanatili ang kanilang kapit sa kapangyarihan.
Sa usapin naman ng democratic consolidation, masasabi ba nating ang ating mga lider ay may pagpapahalaga sa boses ng mga mamamayan? O inilalagay ba natin sa iisang tao ang kapangyarihang magpasya para sa atin? Paano pinatatatag ng ating mga lider ang mga institusyong nagtitiyak na naipatutupad ang ating mga batas, na nababantayan at naibabalanse natin ang kapangyarihan ng mga taong nasa poder, na bukás sa pagkilatis natin ang mga gawain ng pamahalaan at napananagot natin ang mga kawani ng pamahalaang hindi ginampanan nang maayos ang kanilang tungkulin? Ang mga nakaupo ba sa puwesto ngayon ay kasama sa mga nagpapahina sa mga institusyong naggagawad ng katarungan at tumutugon sa kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay? Nababahala ang marami sa tila ba pagiging malapít ng ating mga lider sa mga taong lantarang pinagnakawan ang ating bayan noong sila’y nasa kapangyarihan, mga taong ang interes ng kanilang mga negosyo o ng kanilang mga kaalyado ang inuuna sa halip na ang kapakanan ng mga mahihirap. Buháy na buháy pa rin ang pagbabayad ng utang na loob at pagbibigayan ng pabor ng ating mga pulitiko.
Mga Kapanalig, nasa simula pa lang tayo ng anim na taóng panunungkulan ng administrasyong nangako sa atin ng pagbabago, hindi lamang para sa halos 17 milyong bumoto sa pangulo kundi para sa lahat ng Pilipino. Patuloy po tayong magbantay.
Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 14,222 total views

 14,222 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 22,322 total views

 22,322 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 40,289 total views

 40,289 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 69,546 total views

 69,546 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 90,123 total views

 90,123 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 14,223 total views

 14,223 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 22,323 total views

 22,323 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 40,290 total views

 40,290 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 69,547 total views

 69,547 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 90,124 total views

 90,124 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 85,688 total views

 85,688 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 96,469 total views

 96,469 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 107,525 total views

 107,525 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 71,387 total views

 71,387 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 59,816 total views

 59,816 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 60,038 total views

 60,038 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 52,740 total views

 52,740 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 88,285 total views

 88,285 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 97,161 total views

 97,161 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 108,239 total views

 108,239 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top