Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tangkilikin ang sariling atin

SHARE THE TRUTH

 304 total views

Pagpapalago sa espirituwalidad at moralidad ng tao ang pagtulong sa kapwa na makaahon sa kahirapan.

Ito ang sinasaad sa ensiklikal ni Pope Paul VI na Populorum Progressio kung saan binigyang diin na ang paglaban sa kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay ay hindi lamang pagtataguyod sa karapatan ng tao kundi pagpapalago ng buong pagkatao.

Kaugnay dito, inihayag ng Cooperative Development Authority na sinisikap nitong maipalaganap sa buong bansa ang pagtatayo ng mga kooperatiba na malaki ang maitutulong sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mamamayan.

Ayon kay CDA Chairperson Usec. Orlando Ravanera, mahalagang palalakasin ang sektor ng mahihirap tulad ng mga magsasaka, mangingisda, mga nagtitinda at iba pa upang tunay na makamtan ang pagbabago at pag-unlad ng kabuhayan.

“Empower and capacitate them like for example now that ang ating pong mga kooperatiba ngayon are into value chain,” pahayag ni Ravanera sa Radio Veritas.

Sinabi ng opisyal na kung maturuan ang mamamayan ng wastong pamamahala sa kanilang mga kabuhayan ay matitiyak ang pag-unlad ng pamumuhay ng mga Filipino.

Iginiit nito na sinisikap ng mga kooperatiba sa bansa ang makapaglikha at makapagturo ng wastong pagnenegosyo sa mamamayan upang mabawasan at maiwasan ang pakikipagsapalaran ng mga Filipino sa ibayong dagat.

Ikinadisyama ni Ravanera ang pagkahumaling ng mga Filipino sa mga imported na mga produkto at hindi pagtangkilik sa mga lokal na produkto.

Aniya, dapat higit na tangkilikin ng mga Filipino ang sariling mga produkto upang makatulong sa paglago ng ekonomiya at mamamayan.

“If you buy the products that are coming from other countries, you support the economy where the product is coming from while if you buy the products of the cooperatives, you are buying what is local and you generate jobs for the people,” dagdag pa ni Ravanera.

CDA-SBC PARTNERSHIP

Kasabay ng ika-29 na anibersaryo nang C-D-A, lumagda ng kasunduan ang pamunuan para mas mapalawak ang pagtulong sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga kooepratiba.

Ayon kay Ray Elevazo, Executive Director ng CDA, malaki ang maitutulong ng nasabing kasunduan sapagkat ang Small Business Corporation (SBC) na sakop ng Department of Trade and Industry ang tagapagpatupad ng Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso o P3 program ng gobyerno na layong tulungan ang mga small to medium enterprises (SMEs) sa bansa.

Sinabi ni Elevazo na magkakaroon ng National Committee na nakatuon lamang sa mga kooperatiba upang mapabilis ang paghatid ng tulong lalo na sa mga maliliit na kooperatiba sa bansa.

Batay sa tala ng CDA noong 2017 mahigit sa 17, 000 ang mga operational na kooperatiba sa buong bansa.

Ang P3 Program ay nilikha ng administrasyon na naglalayong tulungang mapaunlad ang sektor ng micro, small and medium enterprises sa Pilipinas at makaiwas sa 5-6 scheme na pautang na lalong nagpapahirap sa maliliit na negosyante.

CARITAS MARGINS
Bilang tugon ng Simbahang Katolika, nilikha ng Caritas Manila sa pamumuno ni Rev. Fr. Anton CT Pascual ang Executive Director ng social action arm ng Arkidiyosesis ng Maynila ang Caritas Margins na naglalayong tulungan ang mga mahihirap na maiangat sa karukhaan sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

Naniniwala si Fr. Pascual na hindi sapat ang pagbibigay lamang ng pinansyal na tulong kundi mas higit na kinakailangan ang pagbibigay ng mga libreng pagsasanay para sa kabuhayan ng mamamayan.

Tinutulungan ng Caritas Margins ang higit sa isanlibong maliliit na negosyante sa bansa na maipakilala sa publiko ang kanilang mga produkto sa pagsasagawa ng mga bazaar sa pakikipagtulungan ng mga kilalang establisimiyento sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Panawagan ng Simbahan at ng CDA na dapat tangkilikin ng mga Filipino ang mga lokal na produkto o ‘sariling atin’ bilang suporta sa kapwa Filipino at makatutulong sa kanilang pag-ahon mula kahirapan.(Norman Dequia)

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 6,838 total views

 6,838 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 19,978 total views

 19,978 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 25,951 total views

 25,951 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 31,706 total views

 31,706 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 38,968 total views

 38,968 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Norman Dequia

Drones na gagamitin sa search at rescue operations, inilunsad

 5,938 total views

 5,938 total views Hinimok ni Pope Francis ang mamamayan na gamitin ang makabagong teknolohiya sa kapakinabangan at kabutihan ng kapwa. Kaugnay nito tiniyak ng DJI Enterprise Philippines ang patuloy na pagpaunlad sa mga kagamitang makatutulong sa lipunan kasabay ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Ayon kay DJI Director Garrick Hung, makatutulong ang drones sa pagpapatupad ng mga

Read More »
Economics
Norman Dequia

Housing program ng administrasyong Marcos, popondohan ng Pag-IBIG fund

 46,153 total views

 46,153 total views Tiniyak ng Pag-IBIG Fund ang pakikipagtulungan sa pamahalaan para isulong ang programang pabahay. Ito ang pahayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar kasunod ng pag-apruba ng Pag-IBIG Fund sa 12-bilyong pisong pondo para mahigit siyam na libong pabahay ng National Housing Authority.

Read More »
Economics
Norman Dequia

Pagpapaunlad sa coconut at coffee industry, isinusulong ng mga mamumuhunan

 11,902 total views

 11,902 total views Pinaiigting ng grupo ng mamumuhunan ang pagtulong sa coconut at coffee industry ng bansa. Ito ay kasunod ng pagpapalawak ng distribusyon ng Kaffea at Chocolea sa Amerika upang maabot ang mga Pilipino sa ibayong dagat. Ito ang paraan ng Starkaffea Corporation para tulungan ang mga magsasaka lalo sa Mindanao na mapataas ang kanilang

Read More »
Economics
Norman Dequia

PAG-IBIG, nakapagtala ng pinakamataas na koleksyon

 11,988 total views

 11,988 total views Iniulat ng Pag-IBIG Fund na mas tumaas ang koleksyon ng ahensya mula sa mga programang pautang. Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, nakolekto ng ahensya ang P31.97 billion mula sa home loan sa unang limang buwan ng 2023 mas mataas ng mahigit

Read More »
Economics
Norman Dequia

Pagtugon sa pangangailangan ng Filipino migrants, tiniyak ni Tulfo

 11,743 total views

 11,743 total views Nangako si Senator Raffy Tulfo na paigtingin ang pagtugon sa pangangailangan ng Filipino migrants. Ito ang mensahe ng Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers sa kanyang pagbisita sa mga OFW sa Dubai kasabay ng pagdiriwag ng Migrant Workers’ Day. Partikular ni tinukoy ni Tulfo ang shelter para sa mga Pilipinong nakararanas ng

Read More »
Economics
Norman Dequia

16-bilyong piso, na-avail na cash loans ng PAG-IBIG members sa 1st quarter ng taong 2023

 11,878 total views

 11,878 total views Ibinahagi ng Pag-IBIG Fund na mahigit sa kalahating milyong Pilipino ang natulungan sa programa ng institusyon sa unang bahagi ng 2023. Ayon kay Pag-IBIG Fund Chairman at Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar halos 16 na bilyong piso ang naipamahagi ng ahensya sa mga miyembrong nag-avail ng cash

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panandaliang tulong sa mga magsasaka, hindi sapat para umunlad ang sektor ng agrikultura

 11,412 total views

 11,412 total views Umapela sa pamahalaan ng pangmatagalang solusyon ang grupong Kilusan para sa Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (KATARUNGAN) para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura sa bansa. Ayon kay KATARUNGAN Secretary General Danny Carranza, hindi sapat ang panandaliang tulong sa mga magsasaka para mapaunlad ang produksyong titiyak sa food security ng bansa. “Sa kalagayan

Read More »
Economics
Norman Dequia

Bureau of Immigration, naghihigpit laban sa human trafficking

 13,295 total views

 13,295 total views Nilinaw ng Bureau of Immigration na karaniwang dokumento sa pagbiyahe abroad ang kinakailangang dalhin at ipakita sa immigration officer. Ito ang pahayag ni B.I Spokesperson Dana Sandoval sa Radio Veritas kaugnay sa maraming reklamo laban sa immigration officers sa mga paliparan na dahilan ng pagkaantala ng mga pasahero. Ayon kay Sandoval pinaiigting ng

Read More »
Economics
Norman Dequia

Locally-made jeepney, giit ng transport sector

 12,537 total views

 12,537 total views Nilinaw ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o PISTON na sang-ayon ito sa jeepney modernization ngunit dapat hindi ito mag-aangkat sa mga dayuhang bansa. Ayon kay PISTON National President Mody Floranda sa halip na mag-angkat ng mga bagong jeep dapat suportahan ng pamahalaan ang mga gumagawa sa Pilipinas para makatulong

Read More »
Economics
Norman Dequia

Mataas na presyo ng agricultural products, isinisi ni Senator Binay sa administrasyong Marcos

 11,158 total views

 11,158 total views Inihayag ni Senator Nancy Binay na may pagkukulang ang pamahalaan kaya’t nagkakaroon ng suliranin sa agricultural products bawat taon. Ito ang binigyang-diin ng mambabatas sa pagdinig sa senado nitong January 16 sa labis na pagtaas ng presyo ng sibuyas sa mga pamilihan sa bansa. Ayon kay Binay paulit-ulit ang nangyayaring suliraning kinakaharap ng

Read More »
Economics
Norman Dequia

Virtual PAG-IBIG Mobile App, inilunsad

 12,291 total views

 12,291 total views Inilunsad ng Pag-IBIG Fund ang Virtual Pag-IBIG Mobile App na layong pabilisin ang serbisyo sa mga kasapi ng institusyon. Ginawa ito sa ika – 42 anibersaryo ng Pag-IBIG Fund. Inihayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar na makatutulong ito sa paglunsad ng

Read More »
Economics
Norman Dequia

38-bilyong pisong kita, inulat ng PAG-IBIG Fund

 11,477 total views

 11,477 total views Malugod na iniulat ng Pag-IBIG Fund ang mataas na kita sa unang sampung buwan ng 2022 na umabot sa 38.06 billion pesos. Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, ipinakikita nito ang tiwala ng mga Pilipino sa institusyon upang pangasiwaan ang salapi na

Read More »
Economics
Norman Dequia

3-bilyong piso, ibinigay na tulong ng PAG-IBIG sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon

 10,226 total views

 10,226 total views Naglaan ng tatlong bilyong pisong pondo ang Pag-IBIG Fund para sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon. Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, ito ay inisyal na pondo pa lamang para sa agarang pagtugon sa mamamayan lalo na sa Ilocos Region,

Read More »
Economics
Norman Dequia

Paggamit ng Coconut sugar, isinulong ng local business

 10,484 total views

 10,484 total views Bilang pagkilala at tulong sa mga magsasaka sa bansa, inilunsad ng small-medium enterprise ang produktong gumagamit ang asukal mula sa niyog. Ayon kay Starkaffea CEO Cheng Pabilonia ng Starkaffea Corporation ang Chocolea ay gumagamit ng ‘coconut sugar’ bilang pampatamis na hinahango mula sa coconut farmers sa buong Pilipinas. Bukod sa makakabuti sa kalusugan,

Read More »
Economics
Norman Dequia

Maganda at epektibong public transportation, tugon sa hindi mapigilang oil price hike

 10,173 total views

 10,173 total views Isinusulong ng transport advocates ang pagpapaganda sa pampublikong transportasyon sa bansa bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Sa panayam ng Veritas Pilipinas kay AltMobility PH Executive Director Ira Cruz, naniniwala itong mabawasan ang paggamit ng sasakyan ng mamamayan kung may maayos at maginhawang public transportation lalo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top