Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tangkilikin ang sariling atin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 659 total views

Hinimok ng ilang grupo ang National Food Authority na gamitin para sa buffer stock ng bigas ang mga palay na binibili mula sa lokal na mga magsasaka sa bansa.

Sa pinagsamang pahayag, iginiit na dapat prayoridad ng pamahalaan ang pagbili ng palay sa lokal na produksyon sa halip na luwagan ang paraan ng pag-angkat ng bigas.

Hiniling din na itaas sa dalawampung piso ang kada kilo ng palay na bibilhin ng pamahalaan mula sa mga magsasaka upang matugunan ang mataas na gastusin sa pagsasaka na umaabot sa 65,000 piso kada isang ektaryang lupang sakahan.

Kinundena rin ng Bantay Bigas ang ginawang re-alignment ng NFA sa pondong inilaan sa pagbili ng bigas upang matiyak ang suplay ng pagkain sa bansa.

Ginagawa nitong pambayad-utang ang budget nito sa halip na ipambili ng lokal na palay. Ang pag-asa sa importasyon ng gobyerno ay nagpapalala ng kawalan ng seguridad sa pagkain ng bansa.” pahayag ni Cathy Estavillo, tagapagasalita ng grupo.

Hinamon naman ng grupo ang pamahalaan na huwag umasa sa pag-aangkat ng pagkain dahil hindi ito makatitiyak na mapanatili ang abot kayang halagang pagkain para sa mga Filipino.

Batay sa tala ng NFA halos 4,000 metriko toneladang palay lamang ang binili nito mula Enero hanggang Hulyo habang noong nakalipas na taon naman ay 28, 000 metriko tonelada naman ang nabili nito o katumbas sa 0.15% sa kabuuang lokal na produksyon ng palay sa bansa.

Kaugnay ditto, unang hinimok ni Batanes Bishop Danilo Ulep ang bawat mamamayan na palakasin ang lokal ng produksyon ng pagkain dahil ito ang bukod tanging paraan na manatiling sapat ang suplay sa komunidad.

Read more: Huwag umasa sa mga produktong inaangkat

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 47,643 total views

 47,643 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 69,709 total views

 69,709 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 85,405 total views

 85,405 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 92,613 total views

 92,613 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 153,291 total views

 153,291 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top