Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Taumbayan, pinagtaksilan ng Senado-Bishop Bagaforo

SHARE THE TRUTH

 1,262 total views

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na pinagtaksilan ng Senado ang taumbayan sa pagkakait ng katarungang panlipunan.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace, kasunod ng naging desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa Obispo, ang pagkakait ng Senado na ituloy ang imbestigasyon sa pananagutan ng bise presidente sa mga alegasyon ng katiwalian sa kaban ng bayan ay pagkakait ng katarungan sa lipunan at isang tahasang pagtataksil sa mga mamamayan.

“Betrayed tayong mga mamamayan, justice was denied on us sa issue ng accountability.” Bahagi ng pahayag ni Bisho Bagaforo sa Radyo Veritas.

Dismayado rin si Bishop Bagaforo -na siya ring tagapangulo ng Caritas Philippines na humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP, sa kabiguan ng mga Senador na gampanan ang kanilang tungkulin bilang isang impeachment court kung saan matatandaang una ng nanumpa ang mga ito bilang mga Senator Judge.

Ayon sa Obispo, sa halip na unahin at pakinggan ng mga Senador ang sigaw ng taumbayan para sa katotohanan at pananagutan ay tinalikuran ng Senado ang kanilang tungkulin bilang mga hukom ng impeachment court sa pagtanggap sa mosyon ni Senator Rodante Marcoleta.

“Very disappointing, kasi we expected na sana yun impeachment court ang nag decide on the case at hindi yun upper house. Remember na they have taken their oath as judges already? I think to entertain the motion of Marcoleta was out of order. They have remissed their solemn duty to heed the call of the people.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Sa kabila nito, nanawagan ang Obispo sa taumbayan na manatiling gising at patuloy na manindigan sa pananawagan ng pananagutan sa pamahalaan lalo na’t maaari pang muling buhayin ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Paliwanag ni Bishop Bagaforo, napapanahon na maging bukas ang kamalayan ng bawat isa sa pasusuri, pagninilay at paninindigan sa kabutihan at kapakanan ng bayan kasabay ng pagtiyak na maisulong ang pananagutan mula sa mga tiwaling opisyal ng bansa.

“The case was “archived”, pwede pang buhayin! Kaya panawagan natin sa sambayanan na manatiling Gising! Ipatuloy nating iparating at ipaglaban sa pamahalaan ang ating Tinig! Now is the time to reflect (see), judge, and Act!”paglilinaw ng Obispo

Giit ng Obispo ang pag-archive ng Senado sa impeachment laban sa bise presidente ay hindi lamang usaping legal kundi isa ring usaping moral dahil sa pagkawala ng tiwala ng mamamayan sa mga institusyon ng pamahalaan.

Matatandaang, Miyerkules ika-6 ng Agosto, 2025 matapos ang ilang oras na debate ay nanaig ang boto ng mayorya ng mga senador sa botong 19-4-1 pabor sa “motion to archive” sa usapin ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 49,648 total views

 49,648 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 69,333 total views

 69,333 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 107,276 total views

 107,276 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 125,209 total views

 125,209 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

PAHRA, ipaglalaban ang justice free for all

 292 total views

 292 total views Kinundina ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) ang naging desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice President

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Mamamayan, binigo ng Senado

 2,040 total views

 2,040 total views Binatikos ni House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang pasya ng Senado na i-archive ang impeachment

Read More »

RELATED ARTICLES

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 36,073 total views

 36,073 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
Scroll to Top