Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 13,211 total views

Kapanalig, isa sa mga biyaya ng ating panahon ngayon ay ang teknolohiya at kung paano nito natutulungan ang ating mga seniors sa pang-araw araw na buhay.

Tinatayang mahigit pa sa siyam na milyon ang mga seniors sa ating bayan ngayon. Dadami pa ito kapanalig sa darating na panahon, kaya’t napaka-inam na may mga teknolohiya ngayon na nagagamit ang mga seniors para sa maraming aspeto ng kanilang buhay.

Dahil sa teknolohiya, marami sa ating mga elderlies ang na-e-extend pa ang panahon ng kanilang pagta-trabaho, kung nais nila. Ang ating mga gadgets gaya ng mga computers, cellphones, katuwang ang internet, ay nakapagbibigay ng maraming oportunidad sa mga seniors na kumita pa kahit nasa retirement age na.

Ang teknolohiya din ay nakapagbibigay sa mga seniors ng channel o platform upang makilahok sa lipunan. Kung dati rati, ang boses ng mga seniors o elderly ay nasa loob ng tahanan at pamilya lamang, ngayon, mas napapalawak pa ang kanilang pakikipag-ugnayan sa lipunan dahil sa mga iba-ibang paraan at plataporma na bunga at dulot ng teknolohiya.

Marami ring mga inobatibong assistive devices ngayon na nakakatulong sa mobility ng mga elderlies. Ang mga smart devices sa bahay, gaya ng mga makabagong mga ilaw, mga ref, mga stoves at oven, mga dishwashers at washing machines, ay nakakatulong sa kanila na konbinyente makagalaw sa kanilang tahanan.

Kaya lamang, kapanalig, may katapat na gastos ang mga biyaya ng teknolohiya. Dahil sa kanilang kamahalan, kakarampot lamang sa kanilang sektor ang nakakatanggap ng benepisyo ng teknolohiya, yung mga may pera lamang. Ang maralitang seniors, kadalasan, kung may smart phone man, wala pa ngang pang load minsan. Dahil sa kahirapan, hindi nalalasap ng maraming mga seniors ang convenience at ginhawa na dapat na kanilang natatanggap. Tinatayang halos kalahati ng ating mga seniors ang nagtatrabaho pa pero bitin pa rin lagi ang kanilang kinikita para sa kanilang pangangailangan. Marami ring mga seniors ang hindi malusog pero hindi nagpapa-doktor dahil sa kakulangan sa pera.

Kapanalig, kailangan nating suriin ang ang ating lipunan at tanungin sa ating sarili kung tama ba at makatarungan ba ang sitwasyon ng napakaraming maralitang seniors o elderly sa ating bansa. Habang tayo na malalakas at may konting pang-gastos ay natatangap ang biyaya ng teknolohiya, marami sa ating mga nakakatanda ay kulang ang budget para sa pagkain o pagpapa-doktor. Pagkatapos ng ilang taon paninilbihan sa lipunan, sila ay naisasantabi na lamang sa ating lipunan.

Kapanalig, sa mundo natin ngayon na tinutulak na ng teknolohiya, huwag nating iwanan ang mga seniors na nag-ambag din para sa lahat ng biyayang tinatamasa natin ngayon. Sa Fratelli Tutti, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan, ikinalulungkot ni Pope Francis na  minsan, ating itinuturing na “burden” o pabigat ang mga matatanda dahil sa kanilang kahinaan o disability. Pinapaalala niya lahat sa atin na bigyan sila ng boses at espasyo sa lipunan, dahil gaya natin, sila ay may angking dangal at dignidad na dapat nating kilalanin at respetuhin.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 34,608 total views

 34,608 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 64,689 total views

 64,689 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 78,749 total views

 78,749 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 97,070 total views

 97,070 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Kabiguan sa kabataan

 34,609 total views

 34,609 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 64,690 total views

 64,690 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 78,750 total views

 78,750 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 97,071 total views

 97,071 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 97,154 total views

 97,154 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 77,538 total views

 77,538 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 101,235 total views

 101,235 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 109,947 total views

 109,947 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 113,578 total views

 113,578 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »
1234567