Transparency sa paggamit ng kabang bayan, hiling ng Obispo sa government officials

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,860 total reads

Kinakailangan na maging tapat ang mga sangay ng pamahalaan sa paggamit ng pondo ng bayan.

Ito ang mensahe ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. kaugnay sa kontrobersyal na usapin ng confidential funds sa 2024 National Budget partikular na sa tanggapan ng pangalawang pangulo at Kagawaran ng Edukasyon na parehong pinangangasiwaan ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa Obispo, kinakailangan ang katapatan at magbigay ng mga paliwanag kung paano ginagamit ang pondo ng bayan upang maiwasan ang anumang pagdududa at kontrobersiya ng katiwalian sa kaban ng bayan.

“Ang kailangang ipaliwanag na mabuti ay para saan gagamitin ang confidential funds at bakit napakalaki ang confidential funds ng OVP at Department of Education. Ang ayaw magbigay ng paliwanag at magbigay ng accounting kung saan ito ginagamit ay baka may itinatagong pagnanakaw.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Bishop Bacani na pagod at sawa na ang taumbayan sa patuloy na katiwalian sa pamahalaan na bunga ng kakulangan ng ‘transparency’ sa paggamit ng kaban ng bayan kayat napapanahon nang maging tapat ang mga opisyal at sangay ng pamahalaan.

Pinayuhan ng Obispo na maging responsable ang mga opisyal ng iba’t ibang sanggay ng pamahalaan sa paggastos sa kaban ng bayan na nagmula sa buwis ng bawat mamamayan na dumaranas ng kahirapan.

“Dala na ang bayan sa corruption na buhat sa kakulangan ng transparency. Wala na ngang pera ang nakararami sa mamamayan palaki naman ng palaki ang gastos ng mga sangay ng pamahalaan. Mahiya naman ang hingi ng hingi ng gagastusin samantalang pahirap ng pahirap ang buhay.” Dagdag pa ni Bishop Bacani.

Naunang binigyang diin ni Vice President Sara Duterte na “kung sino man ang kumokontra sa confidential funds ay kumokontra sa kapayapaan. Kung sino ang kumokontra sa kapayapaan ay kalaban ng bayan.”

Patuloy na ipinaalala ng Simbahan na mahalaga ang katapatan ng mga opisyal ng bayan sapagkat karapatan ng mamamayan na malaman ang katotohanan kung saan at paano ginagamit ang pondo ng bayan na dapat sana ay para sa mga programa at serbisyo para sa taumbayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 166,594 total reads

 166,594 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 196,709 total reads

 196,709 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 230,832 total reads

 230,832 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 287,238 total reads

 287,238 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 39,794 total reads

 39,794 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top