Tugon sa “triple planetary crisis”, panawagan ng BAN Toxics kay PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,984 total reads

Nanawagan ang BAN Toxics kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ng mas malawak na hakbang laban sa “triple planetary crisis” dulot ng climate change, polusyon, at pagkaubos ng likas na yaman.

Ayon kay BAN Toxics Deputy Executive Director Jam Lorenzo, nakatuon lamang ang pamahalaan sa flood control at post-disaster aid, habang kailangan ng mga polisiya tulad ng fossil fuel phaseout, nationwide plastic ban, at moratoryo sa malakihang pagmimina.

“We also demand climate accountability from big corporations that have caused and continue to contribute to environmental harm and negative impacts on communities,” ayon kay Lorenzo.

Binatikos din ni Lorenzo ang patuloy na pag-asa ng bansa sa coal na may 57% ng power mix at pagpapalawak ng fossil gas projects, gayundin ang kakulangan ng mas mataas na target para sa renewable energy (RE) kumpara sa pamantayan ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) na 60–70% RE share sa 2030 upang mapanatili ang 1.5°C global warming limit.

Kasabay nito, binigyang-diin ng BAN Toxics ang krisis sa basura matapos makolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang halos 77 metriko toneladang basura sa Metro Manila, na karamiha’y plastic.

Iginiit ng grupo na hindi sapat ang kasalukuyang Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act at sa halip, dapat isulong ang nationwide ban sa single-use plastics.

Samantala, umapela naman ang BAN Toxics sa pamahalaan na ipatupad ang moratoryo sa large-scale mining contracts, habang isinusulong ang pag-amyenda sa RA 7076 o ang People’s Small-Scale Mining Act, upang mapalakas ang lokal na industriya ng pagmimina sa paraang tunay na napapanatili at nakatuon sa pangangalaga ng kalikasan.

“Instead of further opening the country to foreign plunder, the government should shift its focus on supporting our artisanal and small-scale miners, who have the potential to contribute meaningfully to the national economy. This support must include capacity-building and access to environmentally sound technologies,” ayon kay Lorenzo.

Binigyang-diin naman ng grupo na ang hindi sapat ang pagbabago sa pag-iisip ng mamamayan bagkus, kailangang baguhin ang sistema upang tunay na matugunan ang ‘new normal’ na dulot ng krisis sa klima.

Una nang binigyang-diin ng namayapang Papa Francisco sa Laudato Si’ na tungkulin ng pamahalaan na pagtibayin ang pagpapatupad ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan at sa mahihirap na mamamayang apektado ng pagkasira ng kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 10,566 total reads

 10,566 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 92,305 total reads

 92,305 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 194,031 total reads

 194,031 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 230,819 total reads

 230,819 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 260,961 total reads

 260,961 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 58,866 total reads

 58,866 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top