Tulungang magbalik-loob sa pananampalataya ang mga nawawalan ng pag-asa.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,988 total reads

Ito ang mensahe ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care executive secretary, Camillian Father Dan Cancino, hinggil sa patuloy na suliranin ng bansa sa pagtugon sa mental health.

Ayon kay Fr. Cancino, karamihan sa mga taong nakakaranas ng anxiety at depression ay ang mga kabataan dahil sa epekto ng teknolohiya.

Paliwanag ng pari na bagamat kaakibat na ng buhay ang teknolohiya, nagiging hadlang din ito sa pagkakaroon nang maayos na ugnayan sa kapwa lalo na sa pamilya.

“Nagkukulang tayo ng personal na ugnayan sa isa’t isa. Epekto rin ito ng komunikasyon. Ang ating komunikasyon ay nadadaan na lang sa mga mobile or online applications. May advantage talaga ‘yung mga apps ngunit nawawala ‘yung koneksyon bilang tao—tao sa tao, puso sa puso. Kaya tuloy marami sa ating mga kabataan o kapanalig ang nagkakaroon ng anxiety o depression,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag din ni Fr. Cancino na karamihan sa mga tao ay nakakaligtaan nang pagyabungin ang buhay-pananampalataya dahil itinutuon ang sarili sa pagpapabuti ng pisikal na katangian.

Sinabi ng pari na higit na mahalaga ang pagpapatatag ng pananampalataya sa Panginoon dahil ito’y nagsisilbing gabay upang mas maunawaan ng bawat isa ang mga plano ng Diyos at ang kahalagahan ng buhay.

“Pinakamahalaga ay ‘yung espiritwal na buhay natin. Nafo-form natin ‘yung katawan, ang dami nating mga gym at vitamins pero paano natin alagaan ‘yung ating spiritual life? Hindi nalalayo ang mental health doon sa nurturing of faith—pagpapalalim ng ating buhay pananampalataya,” saad ni Fr. Cancino.

Ibinahagi naman ng opisyal ng CBCP ang tungkulin ng simbahan na mapawi at baguhin ang mga nakasanayang gawi na nakakaapekto sa pakikitungo sa mga nakakaranas ng pagkabalisa at labis na kalungkutan.

Ayon kay Fr. Cancino, pinapalaganap ng komisyong pangkalusugan ng simbahan ang mga pagsasanay sa bawat diyosesis at parokya hinggil sa mental health.

Sinabi ng Pari na sa ganitong paraan ay mapagtutuunan ang mga nangangailangan ng makakausap upang damayan sa paglalakbay sa dilim at muling matagpuan ang liwanag ng pag-asang hatid ng Panginoon.

“Sa pakikipag-usap ay madi-diskubre nila ang kagandahan ng ugnayan sa Diyos, buhay pananampalataya, pagdarasal, interpersonal relationship, at pagkakaroon ng kaibigang personal hindi lang virtual friend. Hindi ka namin pababayaan, meron kang kasama sa paglalakbay,” ayon kay Fr. Cancino.

Sa mga nakakaranas ng mental health crisis, makipag-ugnayan sa National Center for Mental Health sa landline sa mga numerong 1553 o sa mobile sa 0917-899-8726 at 0966-351-4518 para sa Globe at TM subscribers, at 0908-639-2672 para naman sa mga Smart, Sun, at TNT subscribers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 83,436 total reads

 83,436 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 185,163 total reads

 185,163 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 221,951 total reads

 221,951 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 252,526 total reads

 252,526 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 297,464 total reads

 297,464 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 58,388 total reads

 58,388 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top