Tungkulin ng bawat Kristiyano ang maging tagapamayapa-Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,069 total views

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na maging tagapamagitan at tagapagtaguyod ng kapayapaan sa lipunan.

Iginiit ng obispo na ang karahasan sa pagitan ng Israel at Iran ay hindi lamang banta sa katatagan ng Middle East kundi sa kalagayang pangkapayapaan ng buong mundo.

Sinabi ni Bishop Santos bilang mga kristiyano ay tungkulin ng bawat isa na maging instrumento ng pagkakasundo at ipanalangin ang mga biktima ng karahasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

“The conflict between Iran and Israel is not just a political struggle—it is a human tragedy. As Christians, we are called to be peacemakers, to be aware of the suffering of others, and to intercede for those caught in the grip of war and violence,”
pahayag ni Bishop Santos.

Batid ng obispo na pawang pagkasira ng pamayanan ang idinudulot ng mga digmaan kung saan kadalasang apektado ang mga inosenteng sibilyan.

“We cannot turn a blind eye to the pain of our brothers and sisters in the Middle East. Their suffering is our suffering, and their longing for peace must be our prayer,” giit ni Bishop Santos.

Sa ikaapat na araw ng digmaan sa pagitan ng dalawang bansa muling naglunsad ng pag-atake ang Israel laban sa Iran sa kabila ng panawagang de-escalation ng international communities.

Sa datos nasa 224 Iranian ang nasawi sa pag-atake ng Israel noong June 13 kabilang ang anim na matataas security chief ng bansa at mahigit sa 1, 400 katao ang nasugatan habang sa Israel nasa 13 katao na pawang sibilyan ang nasawi sa pagganti ng Iran.

Dahil dito hiniling ni Bishop Santos sa mananampalataya na magkaisang manalangin para sa kapayapaan at pag-asang umiral ang pagkakasundo ng mundo.

“As followers of Christ, we must stand firm in our commitment to peace, justice, and reconciliation. We must pray fervently, advocate for dialogue, and extend our compassion to those affected by war,” dagdag ni Bishop Santos.

Una nang hiniling ng Kanyang Kabanalan Leon XIV ang dayalogo sa pagitan ng mga magkatunggaling panig at magkasundong isulong ang pagbubuklod upang umiral ang kapayapaan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 1,351 total views

 1,351 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 10,715 total views

 10,715 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 37,171 total views

 37,171 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 87,811 total views

 87,811 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 93,407 total views

 93,407 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top