Umaapoy ang Mt. Apo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,877 total views

Mga Kapanalig, habang isinusulat ang editoryal na ito, patuloy na tinutupok ng apoy ang malaking bahagi ng Mount Apo, ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Ang Mt. Apo, na matatagpuan sa mga probinsya ng Cotabato at Davao del Sur, ay tirahan ng maraming hayop na dito lang sa Pilipinas matatagpuan gaya ng ating pambansang ibon, ang Philippine eagle, at ng mga puno’t halamang daang libong taon na ang tanda.

Nagsimula pa noong ika-26 ng Marso, Sabado de Gloria, ang sunog sa Mt. Apo. Sa taya ng mga kinauukulan, umabot na sa humigit-kumulang 300 ektaryang forest cover na ang naapektuhan. Iminungkahi na ang pangmatagalang pagsasara sa publiko ng Mount Apo Natural Park para mapangalagaan ito mula sa panganib at pinsalang dala ng mga taong umaakyat dito. Sinasabi kasing nagsimula ang apoy nang magsindi ng sigâ ang mga mountain climbers para labanan ang malamig na temperatura. Ayon sa mga eksperto, ang paminsan-minsang pagkakaroon ng forest fires ay normal lalo na sa panahon ng tagtuyot, at ang nagpapatuloy na El Niño ang tinitingnan dahilan sa likod ng mabilis na pagkalat ng apoy. Pinangangambahang may masamang epekto hindi lamang sa mga halaman at lupa sa bundok ang apoy, ngunit pati na rin sa pamumugad doon ng kakaunti na ngang Philippine eagle.

Mga Kapanalig, ang banta ng El Niño o matinding tagtuyot ay alam na natin bago pa man ito dumating. Subalit hindi pa rin sapat ang mga naging paghahanda ng kinauukulan para maibsan o maiwasan ang mga posibleng epekto nito sa atin at sa ating kapaligiran. Maaalalang kamakailan rin ay naganap ang madugong dispersal ng mga magsasaka sa Kidapawan dahil sa kawalan nila ng makakain dulot ng matinding epekto ng El Niño sa kanilang mga pananim. Ngayon naman, nasusunog ang mga bundok at nahihirapan tayong apulahin ito.

Ang pangangalaga ng kagubatan at mga hayop at halaman na matatagpuan sa Mt. Apo ay hindi lamang responsibilidad ng ating pamahalaan o ng mga pamayanan sa paligid nito. Bawat isa po sa atin ay may pananagutang alagaan ang ating kapaligiran. Ipinapaalala sa atin ni Pope Francis sa kanyang encyclical na Laudato Si’ na ang kalikasan o natural environment ay isang “collective good”, isang kabutihang dapat ay pinagsasalu-saluhan nating lahat. At dahil dito, responsibilidad nating pangalagaan ito.

Para kay Arsobispo Romulo Valles ng Davao, ipinakikita ng nagaganap na sunog sa Mount Apo ang matinding pangangailangan para magpatupad ng mas istriktong mga patakaran para mapangalagaan ang ating kalikasan. Aniya, hindi tayo dapat kumukilos lamang kapag nariyan na ang isang trahedya; ang kailangan ay sama-samang pagkilos para maiwasan ang anumang gawaing sisira sa ating mga kagubatan gaya ng pag-iiwan ng basura sa ating kabundukan at iresponsableng pagsisiga.

Ang tungkuling pangalagaan ang kalikasan ay hindi lamang sa ating kasalukuyang henerasyon. Ito ay dapat na ipinapasa rin sa mga susunod sa atin. Kaya’t ang pag-aalaga sa ating kapaligiran ay pag-aalalaga rin sa kinabukasan ng ating pamilya, pamayanan, at ng ating bansa.

Mga Kapanalig, ipagdasal natin ang agarang pag-apula ng sunog sa Mount Apo. Ipagdasal natin ang lokal na pamahalaan na nawa’y makagawa sila ng mga tamang hakbang para hindi na maulit ang ganitong pangyayari habang isinasaalang-alang naman ang kabuhayan ng mga kababayan nating nakasalalay sa kagubatan at turismo.

Higit sa lahat, ipagdasal natin ang paggaling at paghilom ng ating kalikasan dahil, gaya nating mga tao, ito rin ay dumadaan sa matinding sakit. Alam nating hindi natatapos sa pagkamatay ng mga pananim o pagkasunog ng bundok ang epekto ng El Niño. Mas malaki ang pinsalang dala ng ating kapabayaan.
Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 12,144 total views

 12,144 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 45,226 total views

 45,226 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 73,577 total views

 73,577 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 141,307 total views

 141,307 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 163,485 total views

 163,485 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Upper-middle income na ang Pilipinas

 12,145 total views

 12,145 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 45,227 total views

 45,227 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 73,578 total views

 73,578 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 141,308 total views

 141,308 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »
Scroll to Top