UNILAB at Caritas Philippines, lumagda sa kasunduan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,546 total reads

Pagpapaigting sa diwa ng pagtutulungan ang layunin ng paglagda sa kasunduan sa pagitan ng Caritas Philippines at UNILAB, Inc.

Pinangunahan nina Caritas Philippines executive director Fr. Tony Labiao at UNILAB Assistant Vice President at External Affairs and Social Partnerships Division head Claire Papa ang paglagda sa Memorandum of Understanding bilang katibayan ng ugnayan ng simbahan at pharmaceutical company sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Ayon kay Fr. Labiao, hindi lamang ugnayan ang pinagtitibay ng kasunduan kundi maging ang kakayahan ng dalawang institusyon na magampanan ang tungkuling paglingkuran ang mga nasa laylayan ng lipunan.

“It’s not just an ordinary friendship or partnership… Ang na-experience ko sa Unilab is we enrich each other in different levels. I think that’s very important in partnership.” pahayag ni Fr. Labiao.

Hiling din ng pari na sa pamamagitan nito ay mas makahikayat pa ng maraming organisasyon na handang makipagtulungan alang-alang sa mga pamayanang hirap na maabot ng iba’t ibang serbisyo lalo na sa kalusugan.

Inihayag naman ni Papa na naging epektibong katuwang ng UNILAB ang humanitarian at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagsasagawa ng mga programa at proyekto lalo na sa mga lugar na hirap maabot ng serbisyong pangkalusugan.

Pagbabahagi ng opisyal ng pharmaceutical company na maliban sa simbahan, patuloy itong nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor at institusyon para mas mapalawak at mapabilis ang pagtugon sa pangangailangan ng bawat pamayanan.

“Kailangan po talaga ‘yung tinatawag natin na ‘spirit of bayanihan’–‘yung pagmamalasakit na gusto natin gawin para sa ating bayan. Magagawa po natin ito kung sama-sama mula sa iba’t ibang sektor ‘yung nagtutulungan… We are hoping na itong partnership namin ay maging daan din para mabuksan ‘yung pinto para sa iba pang mga kumpanya, sa iba pang mga grupo na gustong sumama dito sa ginagawang pagtulong ng Caritas Philippines kasama po ang kumpanya na katulad namin.” ayon kay Papa.

Ginanap ang paglagda sa kasunduan nitong Mayo 25, 2023 sa Caritas Philippines Office sa CBCP Compound, Intramuros Manila na sinaksikahan ng mga kawani mula sa dalawang institusyon.

Ito’y kabilang sa inisyatibo ng Alay Kapwa Legacy Stewardship Program ng humanitarian at advocacy arm ng simbahan sa ilalim ng Alay para sa Kalusugan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 218,444 total reads

 218,444 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 253,117 total reads

 253,117 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 269,017 total reads

 269,017 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 305,507 total reads

 305,507 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 311,129 total reads

 311,129 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 93,449 total reads

 93,449 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top