Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

UP-PGH chaplaincy, nagpapasalamat sa nakiisa sa Dugong Alay, Dugtong Buhay

SHARE THE TRUTH

 6,819 total views

Nagpapasalamat si University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Chaplaincy head, Fr. Marlito Ocon, SJ sa mga blood donor at volunteers na nakibahagi sa isinagawang blood donation drive.

Ito ang Dugong Alay, Dugtong Buhay na inorganisa ng Loyola School of Theology Student Council noong October 8 sa Loyola House of Studies sa Ateneo de Manila University, Quezon City.

Ayon kay Fr. Ocon, ang paglalaan ng oras ng mga blood donor at volunteers ay sumasalamin sa pagpapahalaga sa kanilang mga naibahagi na makatutulong sa charity patients ng UP-PGH.

“Your selflessness has made a significant impact on the lives of those in need. Every drop counts, and your donation is truly appreciated,” pahayag ni Fr. Ocon.

Nasa 75 blood bags ang nakolekta sa blood donation drive, malaking tulong na para sa mga pasyente ng ospital na kapos ang kakayahan para bumili ng dugo.

Tinatayang nasa humigit-kumulang 120 operasyon ang isinasagawa sa PGH kada araw kaya bilang tugon, taun-taon inilulunsad ng institusyon ang blood donation drive upang maibsan ang pasanin at makatulong sa pangangailangan ng charity patients.

Lubos ding nagpapasalamat si Fr. Ocon sa mga nakatuwang sa gawain kabilang ang Loyola School of Theology, Loyola House of Studies, PGH Blood bank, at PGH chapel volunteers.

“Together, we are saving lives and making a difference in the lives of our poor and sick brothers and sisters in PGH,” dagdag ni Fr. Ocon.

Ayon sa mga dalubhasa, ang pagbabahagi ng dugo ay hindi lamang nakatutulong sa kapwa, kundi nagdudulot din ng benepisyo sa sarili tulad ng pagbaba ng posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso tulad ng Cardiovascular disease.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 29,887 total views

 29,887 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 42,629 total views

 42,629 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 62,553 total views

 62,553 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 67,935 total views

 67,935 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 74,074 total views

 74,074 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Cultural
Michael Añonuevo

RCAM at CSMC, lumagda sa MOA

 1,631 total views

 1,631 total views Muling pinagtibay ng Cardinal Santos Medical Center (CSMC) at ng tanggapan ng Roman Catholic Archbishop of Manila (RCAM) ang Memorandum of Agreement (MOA),

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top