Veneration of the Cross, paalala ng walang hanggan at dakilang pag-ibig ng Panginoon sa sangkatauhan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,430 total reads

Ipinapakita ng pagdiriwang sa pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo na huwag ng ulitin pa ang pagkakamali ng nakaraan.

Ito ang mensahe ni Minor Basilica of the Black Nazarene Parochial Vicar Father Douglas Badong ngayong Holy Week sa pagbibigay-pugay ng Simbahan sa Krus kung saan nasawi ang Panginoong Hesukristo o ang liturhiyang pagdiriwang ng Veneration of the Cross.

“Nagpapaalala din ito ng mga aral na maiaaply natin sa kasalukuyang nangyayari. Nangyari noon, may paraan para maitama at wag na maulit ang mga pagkakamali. Katulad nang maling paghatol, kasinungalingan at pagtratraydor,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Pari sa Radio Veritas.

Ayon kay Father Badong, nawa’y laging maalala ng bawat mananampalataya na ang pagdiriwang ng Veneration of the Cross tuwing Biyernes Santo ay paalala ng walang hanggan at dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.

“Ang venerarion of the cross ay nagpapaalala sa atin nang dakilang pag-ibig ng Diyos. Ang Krus ay simbolo ng pag ibig ng Diyos,” ayon pa sa Pari.

Batid din ni Father Badong ang kagalakan ng mga mananampalatayang pisikal na nagtungo sa Quiapo Church ngayong Holy Week dahil narin ito ang unang beses matapos ipagbawal ng dalawang taon ang pisikal na pagsisimba ng mga mananampalataya nang dahil narin sa banta ng COVID-19.

Paalala ng Pari sa bawat mananamapalatayang magtutungo sa Quiapo Church at iba pang simbahan ngayong Mahal na Araw ang patuloy at mahigpit na pagsunod sa mga ipinatutupad ng health protocols, ito ay upang hindi lamang mapangalagaan ang sarili kungdi upang mapangalagaan rin ang kalusugan ng mga lingkod ng simbahan.

“Matapos ang 2 taon… makikita at mararamdaman mo ang pananabik ng mga tao na makadalo sa mga gawain pang mahal na araw, Naway patuloy nating sundin ang mga safety protocols at disiplina habang ating ginagawa ang mga sakripisyo at penitensya natin ngayong mga mahal na araw,” pagbabahagi din ni Father Badong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 21,751 total reads

 21,751 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 107,324 total reads

 107,324 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 144,696 total reads

 144,696 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 175,956 total reads

 175,956 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 247,827 total reads

 247,827 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top