Water interruptions, kinundena ng WPN

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,889 total reads

Kinondena ng Water for the People Network (WPN) ang pagpapatupad ng water interruption sa gitna ng pinangangambahang epekto ng El Niño Phenomenon sa bansa.

Ayon kay WPN Spokesperson Reginald Vallejos, ang pagkaantala ng tubig ay bunga ng kapabayaan at hindi maayos na serbisyo ng mga water concessionaires.

Tinukoy ni Vallejos ang mga pribadong kumpanya tulad ng Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water Company, Inc., gayundin ang mga local water districts sa ilalim ng joint venture agreement.

Iginiit ng WPN na dapat bigyan ng refund ang publiko sa mga pagkaantala sa halip na taasan ang singil sa serbisyo, gayundin ang panawagang ihinto na ang water privitization.

“Bakit palaging isinasapribado, palaging ipinapasa sa private sector ‘yung responsibilidad ng pamahalaan? Nakakalungkot, kasi minsan, hindi man natin sabihin pero ang nangyayari na kapag nasa pribadong kamay na ay profit-oriented na e–dapat kumita. Hindi na para doon sa kapakinabangan talaga ng mas nakararami,” pahayag ni Vallejos sa panayam sa Barangay Simbayanan.

Matagal nang iminungkahi ng WPN kasama ng iba pang grupo na lumikha ng mga alternatibong mapagkukunan ng tubig kabilang ang rainwater catchment system, pagpapalawig ng paggamit sa Laguna Lake, at water treatment at desalination plants, na patuloy na isinasawalang-bahala.

Mariin ding tinututulan ng grupo ang panukalang pagtatayo ng mga karagdagang mega dam tulad ng New Centennial Water Source kabilang ang Kaliwa at Kanan dam na hindi tugon sa kalagayan ng tubig dahil sa pinsalang idudulot nito sa mga katutubo, pamayanan, at kapaligiran.

“Kapag natuloy po ito, may mga komunidad po na lulubog bagama’t sinasabi nila na “hindi konti lang naman ‘yung mga nakatira d’yan sa mga lugar na ‘yan”. Kaya lang sinasabi po ng mga environmentalist ay ‘yung kabuhayan ‘yung yaman nung mga lugar na ito, kapag gumawa tayo ng dam d’yan masisira. So, sabi natin meron naman tayong existing, nandyan na sila. Mag-invest siguro ang pamahalaan,” ayon kay Vallejos.

Nasasaad sa Caritas in Veritate na ang kalikasan ay biyaya ng Panginoon para sa lahat kaya’t tungkulin ng bawat isa na pangalagaan ito, gayundin ang mga maralita, susunod na henerasyon, at buong sangkatauhan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 39,773 total reads

 39,773 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 146,838 total reads

 146,838 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 232,207 total reads

 232,207 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 278,944 total reads

 278,944 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 326,816 total reads

 326,816 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 423,389 total reads

 423,389 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 173,485 total reads

 173,485 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top