NHCAP, itinatag ng CBCP-ECHC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,297 total reads

Itinatag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang isang samahang naglalayong pagbuklurin ang lahat ng hospital chaplains sa bansa.

Ito ang National Hospital Chaplaincy Association of the Philippines (NHCAP) na napagkasunduan sa ginanap na 2nd National Hospital Chaplaincy Conference 2023 nitong July 10-13, 2023 sa St. Camillus Center for Humanization in Health, Quezon City.

Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Father Dan Cancino, layunin ng NHCAP na maging institusyong maghahatid ng mga paghuhubog at pagsasanay para sa mga healthcare workers, at iba pang nangangalaga sa mga may karamdaman.

“Ano ang layunin nito? Una, for formation para ma-professionalize at mabigyan ng formation ang mga naglilingkod para sa mga maysakit katulad ng nurses, healthcare workers, mga doktor na mayroong mga professional training na ginagawa. At dapat din ang mga hospital chaplains ay mayroong training o formation na pagdadaanan,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Kabilang sa formative courses na hatid ng NHCAP ay ang clinical pastoral education; art of caring for the sick; ethical and religious healthcare directives; caring for carers; at spiritual management and leadership in healthcare setting.

Ipinaliwanag ni Fr. Cancino, ang mga nabanggit na kurso ang nakikitang paraan upang “ma-professionalize” ang gampanin ng hospital chaplaincy services o ang pastoral healthcare sa mga ospital.

Nais din ng NHCAP na mapabilang ang hospital chaplaincy sa saklaw ng mga batas at alituntunin sa mga ospital katulad sa ibang bansa.

“Sa ibang bansa may batas, mayroong policies at guidelines ang mga hospital, ang health care system. Kasama ang mga chaplain, ang pastoral care sa talagang pangangalaga sa mga maysakit at pangangalaga sa mga nag-aalaga ng mga may sakit. So, ito’y isang importanteng inclusion sa napakalaking healthcare system,” ayon kay Fr. Cancino

Nasa 72 ang bilang ng mga dumalo sa pagtitipon ng mga hospital chaplains, na naging saksi at nagpatibay sa pagtatatag ng NHCAP.

Dagdag pa ng pari na kabilang din sa mga layunin ng institusyon ang pagsasabuhay ng synodality na sama-samang paglalakbay tungo sa iisang hangarin na mapaglingkuran ang Diyos at mga higit na nangangailangan.

Magsisimula ang formation at training ng NHCAP ngayong Oktubre, na bukas hindi lamang sa mga katoliko, kundi sa lahat ng denominasyon at paniniwala.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 38,090 total reads

 38,090 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 143,495 total reads

 143,495 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 228,864 total reads

 228,864 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 275,601 total reads

 275,601 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 323,473 total reads

 323,473 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 420,206 total reads

 420,206 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 173,352 total reads

 173,352 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top