Writ of Kalikasan ng Korte Suprema sa pagmimina sa Sibuyan, pinuri ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,284 total reads

Pinuri ng Alyansa Tigil Mina ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa ilegal na pagmimina sa Sibuyan Island, Romblon.

Ito ay ang inilabas na Writ of Kalikasan laban sa Department of Environment and Natural Resources, Mines and Geosciences Bureau, at Altai Philippines Mining Corporation (APMC) upang panagutin sa mga pinsala sa kalikasan dulot ng pagmimina.

Hakbang din ito ng Supreme Court upang tiyakin ang karapatan ng mamamayan ng Sibuyan Island sa pagkakaroon ng ligtas at malusog na kapaligiran.

Pinuri naman ni ATM national coordinator Jaybee Garganera ang mga residente ng isla dahil sa matatag na paninindigan laban sa mapaminsalang pagmimina.

Umaasa si Garganera na tuluyan nang makamit ng mga residente ng Sibuyan ang tuluyang pagpapawalang bisa sa kasunduan sa pagmimina ng APMC sa itinuturing na “Galapagos of Asia”.

“Their petition to the Supreme Court that has now yielded positive gains reinforces their firm resistance on the ground. We hope that in the coming days, their fight to protect the “Galapagos of Asia” would eventually result in the cancellation of Altai Mining’s Mineral Production Sharing Agreement (MPSA),” pahayag ni Garganera.

Tiniyak naman ng grupo ang patuloy na pagsuporta sa mga adhikain ng mamamayan ng Sibuyan upang tuluyang mapigilan ang anumang proyektong makasisira sa isla.

Nangako rin ang ATM na patuloy na ipagtatanggol ang karapatan ng kalikasan at mamamayan sa pamamagitan ng pakikipagdiyalogo sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at publiko laban sa negatibong epekto ng mapaminsalang pagmimina.

“We further vow to exhaust all possible actions, including support to legal remedies and policy measures, to end destructive mining in communities,” giit ni Garganera.

Magugunita noong Pebrero 3, 2023 nang bahagyang magkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng mga residente ng Sibuyan at APMC nang sapilitang dumaan sa barikada at nagresulta sa dalawang sugatang indibidwal.

Nananatili naman ang paninindigan ng Diocese of Romblon upang tutulan ang mapaminsalang pagmimina sa Sibuyan Island, at nangakong patuloy na isasabuhay at isusulong ang pagiging mabubuting katiwala ng sangnilkha ng Diyos.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 44,212 total reads

 44,212 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 156,122 total reads

 156,122 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 241,492 total reads

 241,492 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 288,230 total reads

 288,230 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 336,098 total reads

 336,098 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 432,214 total reads

 432,214 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 173,757 total reads

 173,757 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top