Plastic free sari-sari stores, panawagan ng BAN Toxics sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,997 total reads

Pinaigting ng BAN Toxics ang panawagan upang isulong ang plastic-free sari-sari stores upang maibsan ang suliranin ng basura sa bansa.

Inilunsad ng grupo ang “Kahit konting pagTINGI” campaign kasabay ng paggunita sa International Plastic Bag Free Day na layong ipakita na ang kulturang “Tingi-tingi” ng mga Filipino ay maaaring hindi gumamit ng plastik tulad ng mga pamayanang nagsasagawa na nito sa loob ng maraming taon.

Ayon kay BAN Toxics executive director Rey San Juan, nais ng grupo na isulong ang retailing o pagtitingi na may maingat na pagkakaunawa sa muling pagpupuno o refilling.

“Refilling as a business model is going to be a changemaker of our time, yet again. It has been tested by a number of social enterprises that also share the mission to help address plastic pollution.” ayon kay San Juan.

Hiling ng grupo ang buong pagsuporta ng pamahalaan upang ipakilala ang konsepto ng refilling, reuse o muling paggamit, at iba pang alternatibong pamamaraan sa mga pamayanan upang matugunan ang pagdami ng basura sa kapaligiran.

Hinikayat din ni San Juan ang mga negosyante na mamuhunan at makipagtulungan upang isulong ang paglikha ng plastic-free refilling store sa bansa.

“Urgent action is needed to reduce the impact of plastic packaging waste into the environment. We also call on the industry, supply chains, and retail stores to seriously invest and work together to start establishing plastic-free “refilling” stores to minimize the use of plastic packaging and contribute to beat plastic pollution.” saad ni San Juan.

Ayon sa World Bank, lumilikha ang Pilipinas ng 2.7 milyong tonelada ng basura taon-taon kung saan halos 28 porsyento lamang nito noong 2019 ang na-recycle.
Batay naman sa pag-aaral ng Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA) noong 2019 na ang bansa na tinaguriang ‘sachet economy’ ay gumamit ng 163 milyong plastic sachet packets, 48 milyong shopping bags, at 45 milyong thin film bags.

Patuloy ding isinusulong ng BAN Toxics ang Zero Waste campaign bilang pangunahing paraan upang mabawasan ang paglikha ng plastic waste sa pamamagitan ng konsepto ng reduce, reuse, at recycle sa mga pamayanan.

“We want to curb the consumption of single-use plastics (SUPs) and sachets and promote ‘reuse’ among consumers and shoppers. A radical change in shopping habits requires shifting to sustainable packaging alternatives.” giit ng grupo.

Una nang iginiit ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Laudato Si’ na bawasan ang paggamit ng mga plastic at iba pang disposable materials upang mabawasan ang nalilikhang basura na nagiging tambak lamang sa kapaligiran.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 44,187 total reads

 44,187 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 156,082 total reads

 156,082 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 241,452 total reads

 241,452 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 288,190 total reads

 288,190 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 336,058 total reads

 336,058 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 432,176 total reads

 432,176 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 173,755 total reads

 173,755 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top