Zero budget sa DND, Hiniling

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 725 total reads

Hiniling ng grupo ng magsasaka sa Pamahalaan ang zero budget para sa Department of National Defense.

Sa pahayag na inilabas ng National Federation of Peasant Women, iginiit ng grupo ang hindi paglaanan ng pondo sa ahensya dahil sa maraming paglabag sa karapatang pantao na kinasangkutan ng mga sundalo sa bansa.

Ayon kay Zenaida Soriano pinuno ng grupo, malinaw ang naging polisiya ng pamahalaan laban sa mga magsasaka na inaakusahang kasapi ng New People’s Army.

“Duterte Administration’s budget allocation for the Department of National Defense (DND) certifies its status as a ‘Killing Machine’ targeting farmer Families and Communities.” pahayag ng grupo.

Magugunitang mahigit sa 34 na porsiyento ang itinaas sa proposed budget ng DND para sa taong 2019 na mula sa kasalukuyang P136.5 bilyong piso ay magiging P183.4 bilyong piso ito sa susunod na taon.

Ang DND ang ikaapat na ahensya ng pamahalaan na may pinakamalaking budget allocation.

Samantala, sa pagtaya ng grupong Karapatan at Tanggol Magsasaka umabot na sa 150 mga magsasaka ang napaslang sa ilalim ng administrasyong Duterte kabilang ang 22 magsasakang kababaihan at 5 menor de edad.

Kinundena rin ng grupo ang patuloy na militarisasyon sa komunidad ng mga Lumad sa Mindanao kung saan higit nang naapektuhan ang mga kabataang nag-aaral.

Ayon sa Save Our Schools Mindanao, mahigit 1, 000 estudyante at 76 na mga guro ang napilitang lisanin ang lugar sa 18 forced evacuations na ipinatutupad.

“Winawasak din ng Gobyernong Duterte kahit ang simpleng mga pangarap ng mga kabataang Lumad at kanilang mga magulang na makapag-aral para panatilihin silang mangmang at tanggapin na lamang ang pagkasira ng kanilang kabuhayan at iasa ang kanilang kinabukasan sa pagpasok ng mga malalaking negosyo sa kanilang Komunidad,” dagdag ni Soriano.

Panawagan ng grupo ang karagdagang pondo at bigyang prayoridad ang mga programang higit na makatutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika gampanin ng pamahalaan ang bigyan ng pagpapahalaga ang kapakanan ng sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 80,314 total reads

 80,314 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 174,836 total reads

 174,836 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 219,104 total reads

 219,104 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 242,213 total reads

 242,213 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 313,707 total reads

 313,707 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top