10-milyong katutubo sa bansa, dumaranas ng kahirapan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,884 total views

Inihayag ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) na naranasan ng nasa 10 milyong katutubo sa bansa ang pinakamatinding kahirapan sa loob ng isang dekada sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Ayon sa LRC Campaigns Support and Linkages Coordinator Leon Dulce, tumaas ng 79-porsyento ang antas ng kahirapan sa mga katutubo mula sa 70-porsyento noong 2013.

Sinabi ni Dulce na sa pananaw ng nga katutubo, ang kasalukuyang kalagayan ng bansa ay patuloy na kahirapang bunsod ng diskriminasyon sa iba’t ibang aspeto.

“For indigenous people, the State of the Nation is a constant state of impoverishment rooted in systemic discrimination over public services, land and natural resource conflicts, and a chronic agricultural crisis,” ayon kay Dulce.

Napag-alaman sa pinakabagong datos na nakalap ng LRC na ang mga katutubo ay nahaharap sa 10-porsyentong agwat sa pagkakaroon ng access sa mga pangunahing pampublikong serbisyo kumpara sa mga hindi katutubo, kabilang dito ang mahahalagang serbisyo tulad ng tubig, kuryente, kalinisan, edukasyon, at seguridad sa pagkain.

“With more than half of indigenous peoples being employed in agriculture, their subsistence and livelihoods already affected by persisting inflation further suffered from the lack of anticipatory interventions from public authorities to El Nino. Government assistance so far is roughly just 38% of the almost P10 billion agricultural damages tallied in the country,” saad ni Dulce.

Iginiit din ni Dulce na sa mahigit 1.3 milyong ektaryang lupain ng mga ninuno na nasangkot sa alitan, lalo na sa malawakang pagmimina, ang pagkilala at proteksyon ng mga ninuno ay dapat mapabilis upang mabigyan ng pagkakataon ang mga katutubong komunidad na mapanatili ang kanilang kabuhayan.

Dagdag ng opisyal na magiging kawalang-katarungan kung ang mahalagang kalagayan ng isa sa mga pinakamahinang sektor ng lipunan ay hindi man lamang mabanggit sa SONA.

Dumalo sa ginanap na SIPA 2024 ang mga lider mula sa 15 tribo at iba’t ibang sektor ng lipunan, kung saan ang gawain ay nagsisilbing pagtutol ng mga katutubo para sa SONA ni Pangulong Marcos Jr.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 55,420 total views

 55,420 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 78,579 total views

 78,579 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 99,853 total views

 99,853 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 266,851 total views

 266,851 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top