1,000 pisong umento sa sahod ng mga kasambahay, pinuri ng labor groups

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 611 total reads

Kinilala ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang isang-libong pisong umento sa buwanang suweldo ng mga kasambahay sa Metro Manila.

Ito ay matapos maaprubahan ng National Capital Region Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang wage hike.

Ayon kay Alan Tanjusay – Spokesperson ng TUCP, malaking tulong sa mga kasambahay ang umento higit na sa kanilang mga pamilya bunsod ng patuloy na pag-taas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

“Halos lahat kasi ng mga kasambahay ay mga magulang o kapatid na mga breadwinner ng pamilya na tumutulong sa pang-araw araw na pangangailangan ng mga anak, mga kapatid o kaya naman ay mga magulang,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Tanjusay sa Radio Veritas

Umaasa rin si Tanjusay na mababawasan ang pagkakataon ng pag-alis sa Pilipinas ng mga kasambay upang magtrabaho bilang Domestic Helper (DH) sa ibang bansa.

“Dahil din sa pagtaas ng sahod, madi-discourage ang ilang mga kasambahay na mag-trabaho abroad at magtrabaho bilang household service workers. Ayon kasi sa mga report, mga kasambahay ang pinakainabusong uri ng mga overseas Filipino workers at madalas nakararanas ng karumal-dumal na krimen,” ayon pa sa opisyal ng TUCP

Una naring Kinilala ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) at Federation of Free Workers (FFW) ang pagpapatupad ng mga wage hike na aabot sa 30 hanggang 110-piso ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board.

Ayon sa mga labor groups, bagamat mababa ay maari itong makatulong upang makabili ang mga manggagawa at kanilang pamilya ng mga pangangailangan at makapamuhay ng may dignidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 89,613 total reads

 89,613 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 123,115 total reads

 123,115 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 158,414 total reads

 158,414 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 384,684 total reads

 384,684 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 273,411 total reads

 273,411 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top