Obispo binalaan ang mga labis na naghahangad sa kapangyarihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 543 total reads

Hinimok ng opisyal ng Office on Stewardship ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na ituon ang atensyon kay Hesus upang magkamit ang buhay ng walang hanggan.

Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo makakamit ng tao ang labis na kasiguraduhan sa buhay kung matutuhang ipagkatiwala sa Panginoon ang lahat ng bagay.

“Huwag tayong maghanap ng security, ng kasiguraduhan sa buhay. Magtiwala tayo sa Diyos. Ibigay natin ang full attention natin sa kanya. Demanding si Jesus kasi hindi siya tumatanggap ng compromises. Iyan ang buhay niya at iyan ang hinihingi niya sa atin kasi iyan ang magdadala sa atin sa buhay na walang hanggan,” ayon sa pagninilay ni Bishop Pabillo.

Batid ng opisyal ang mga hamong kinakaharap ng tao sa kasalukuyang panahon tulad ng pandemya na kumitil ng buhay sa milyong-milyong katao at nagpabagsak sa ekonomiya ng buong mundo.

Hinimok ng obispo ang lahat na mas paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon upang mapagtagumpayan ang bawat pagsubok.

Sinabi ng obispo na kung hindi nakatuon kay Hesus ang buhay ng mamamayan madalas itong nahuhulog sa kasamaan at lalong panghihinaan sa bawat hamong nararanasan.

Ipinaalala rin ni Bishop Pabillo sa mamamayan ang masamang kahahantungan sa labis na paghahangad ng kapangyarihan sa lipunan na magdudulot ng pang-aabuso sa kapwa.

“Power is dangerous, even religious power. It can easily be abused. Kailangan mahubog tayo sa pamamaraan ni Hesus,” ani Bishop Pabillo.

Paalala ni Bishop Pabillo sa mananampalataya na hindi dapat mangamba ang mamamayan sa iba’t ibang karanasan sapagkat hindi pinababayaan ni Hesus ang lahat ng sumusunod sa kanya kundi matatamo nito ang buhay na walang hanggan kasama ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 801 total reads

 801 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 38,183 total reads

 38,183 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 69,454 total reads

 69,454 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 146,983 total reads

 146,983 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 241,169 total reads

 241,169 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top