Ang taong may dalisay na puso ay kinalulugdan ng panginoon-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 813 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na magkaroon ng dalisay na puso na tulad ng Mahal na Birheng Maria.

Ito ang pagninilay ng arsobispo sa misang ginanap sa Immaculate Heart of Mary Parish sa Maysilo Malabon sa pagdiriwang ng kapistahan ng Kalinis-linisang Puso ni Maria.

Ayon kay Cardinal Advincula higit kinakailangan ng mundo ang mga taong may malinis na puso upang mangibabaw ang katotohanan at katarungan sa lipunan.

“Mga kapatid, gawin nating makahulugan ang pagdiriwang ng kapistahan ng Kalinis-linisang puso ni Maria sa pamamagitan ng ating patuloy na pagsisikap na magkaroon ng malinis at dalisay na puso. Kailangang-kailangan ng ating mundo ngayon ang mga taong may malinis na puso,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ipinaliwanag ng Kardinal na ang taong may malinis na puso ay may hangaring para sa ikabubuti ng kapwa, maunawain, mapagpatawad, hindi nabubuhay sa kasinungalingan kundi nangingibabaw ang katwiran, katotohanan at katarungan.

Sinabi ni Cardinal Advincula na ang pagtataglay ng dalisay na puso na tulad ng Mahal na Ina ay mapagpakumbaba at masunurin sa kalooban ng Panginoon.

Dalangin ng arsobispo sa bawat isang pagsumikapang tularan ang mga halimbawa ng Mahal na Birhen upang kalugdan ng Diyos.

“Ito ang ating panalangin, ito ang biyayang ating hiling na ang puso natin ay maging banal katulad ng puso ni Hesus at maging malinis katulad ng puso ni Maria,” ani Cardinal Advincula.

Pinangunahan din ni Cardinal Advincula sa nasabing pagdiriwang ang pagtalaga ng Pilipinas sa Kalinis-linisang Puso ni Maria para sa kaligtasan ng mamamayan sa iba’t ibang uri ng banta at hamong nararanasan kabilang na ang banta sa kalusugang dulot ng coronavirus na kumitil sa buhay ng milyong-milyong katao at nagpabagsak ng ekonomiya sa mundo.

Ang Immaculate Heart of Mary sa Maysilo Malabon na pinamumunuan ni Father Lauro Frias ay bahagi ng Diocese of Kalookan na binubuo ng 29 na mga parokya, 2 quasi parish at 15 Mission Stations na pinangangasiwaan ni Bishop Pablo Virgilio David ang kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,574 total reads

 50,574 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,216 total reads

 130,216 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,663 total reads

 163,663 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,961 total reads

 198,961 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,485 total reads

 423,485 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top