Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

1,200 pesos na daily wage ng mga manggagawa,apela ni Bishop Alminaza sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 6,796 total views

Pinalakas ni San Carlos Bishop Gerardo – National Chairperson ng Church People Workers (CWS) ang apela ng kalipunan ng mga manggagawa sa bansa.

Sa pagdiriwang sa Kapistahan ni San Jose Manggagawa at Labor Day ngayong May 01, ipinarating ng Obispo sa pamahalaan ang kagyat na pangangailangan tugunan na ang apela ng mga manggagawa.

Ayon sa Obispo, Ito ay ang kakulangan sa suweldo ng mga manggagawa sa buong Pilipinas at mga pang-aalipusta mula sa kanilang employers at kamanggagawa.

“Today, CWS remembers especially those who labor under unjust conditions—underpaid, overworked, or denied fundamental rights. Labor Day calls us to commemorate past struggles and act in the present. It is a moral imperative for us—especially those in faith communities—to accompany workers in their call for living wages, the right to organize, and humane conditions,” ayon sa mensahe ni Bishop Alminaza na ipinadala sa Radio Veritas .

Apela ng Obispo, napapanahon ng ipatupad ang 1,200-Daily Minimum Wage para sa mga manggagawa upang masuportahan ang kanilang pamilya kasunod ng higit na kinakailangan pagbuwag sa kontrakwalisasyon at pagbuwag din sa Regional Wage Board na dahilan ng hindi pagkakapantay-pantay sa suweldo ng mga manggagawa kada rehiyon.

Kasabay ito ng pinaigting na pagtatanggol ng pamahalaan para sa karapatan ng mga manggagawa upang maiwaksi na ang mga kaso ng paniniil at pagtitiyak na ligtas ang mga lugar ng paggawa upang maiwasan ang mga aksidente o pagkamatay ng mga manggagawa.

“As Pope Francis urges: “The future of humanity does not lie solely in the hands of great leaders, the great powers and the elites. It is fundamentally in the hands of peoples and in their ability to organize.” (World Meeting of Popular Movements, 2014) Let us, then, be companions in that organizing. Let us pray, speak, and act for a society where no one is left behind and where labor is truly dignified,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas

Bukod sa mababang suweldo, kontrakwalisasyon at hindi pantay na benepisyo, kinakaharap din ng mga manggagawa sa Pilipinas ang paniniil, red-tagging at kawalan ng katarungan.

Ito ay dahil noong 2024, muling napabilang ang Pilipinas sa talaan ng Global Rights Index bilang isa sa mga bansang binansagang ‘Most Dangerous Countries for Labor Leaders and Members’ para sa nakalipas na taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAN ON ONLINE GAMBLING

 14,612 total views

 14,612 total views Ipagbawal ang online gambling? Malabo., malayo pa ito sa katotohanan., hindi ito mangyayari! Sa kabila ng malakas na sigaw ng simbahan, mga mambabatas,

Read More »

CLIMATE INJUSTICE

 44,940 total views

 44,940 total views Kapanalig, ang climate injustice ay matagal ng pinapasan ng mga mahihirap na bansa katulad ng Pilipinas. Sa encyclical na “Laudato Si’, Ang sangkatauhan

Read More »

Promotor ng sugal

 60,891 total views

 60,891 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 75,377 total views

 75,377 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 87,523 total views

 87,523 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 16,176 total views

 16,176 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »

Senado, kinundena ng BIEN

 19,104 total views

 19,104 total views Kinundena ng BPO Industry Employees Network (BIEN) ang naging hakbang ng Senado na pigilan ang pagpapatuloy ng impeachment case laban kay Vice-president Sara

Read More »
Scroll to Top