1ST class relic ni San Ezequiel Moreno, dadalaw sa Radyo Veritas chapel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,365 total reads

Inaanyayahan ng Radyo Veritas ang publiko sa pagdalaw ng first class relic ni San Ezequiel Moreno sa Radyo Veritas Chapel sa February 4, 2026, kasabay ng paggunita ng National Cancer Awareness Day.

Ayon kay Fr. Roy Bellen, Pangulo ng Radyo Veritas, ang pagbisitang ito ay isang mahalagang pagkakataon para sa mga Kapanalig, lalo na sa mga may karamdaman, na makapag-alay ng panalangin sa pamamagitan ng santong kinikilalang patron ng mga may cancer.

Ipinaliwanag ni Fr. Bellen na bahagi ito ng patuloy na misyon ng himpilan na maghatid ng pag-asa at espiritwal na lakas, lalo na sa mga dumaranas ng karamdaman, sa pamamagitan ng panalangin at mga sakramento ng Simbahan.

“Iniimbitahan po namin ang mga Kapanalig na dumalaw sa Radyo Veritas Chapel sa pagbisita ng first class relic ni San Ezequiel Moreno, upang sa kanyang pamamagitan ay mapagkalooban ng Diyos ng lakas at kagalingan ang mga may sakit,” pahayag ni Fr. Bellen.

Dadalhin ang relikya ng Saint Ezequiel Moreno Novitiate – Recoletos ganap na alas-onse ng umaga.

Isasagawa ang enthronement of the relic, na susundan ng banal na misa sa alas-dose ng tanghali na pangungunahan ng Augustinian Recollect missionary.

Si San Ezequiel Moreno ay isang paring misyonero ng Augustinian Recollect at obispo na naglingkod sa Pilipinas bago naitalaga sa Colombia.

Kinilala siya bilang patron ng mga may cancer dahil sa sarili niyang karanasan ng matinding pagdurusa mula sa cancer of the jaw, na hinarap niya nang may kababaang-loob, pananampalataya, at ganap na pagtitiwala sa Diyos.

Sa kabila ng karamdaman, nagpatuloy siya sa paglilingkod hanggang sa kanyang pagpanaw noong 1906 at ginawang santo ni noo’y santo papa Saint John Paul II noong 1992.

Ipinagdiriwang ang National Cancer Awareness Day sa Pilipinas bilang pakikiisa sa pandaigdigang kampanya laban sa cancer at layong palaganapin ang kamalayan, pag-iwas, at malasakit sa mga apektado ng sakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 25,157 total reads

 25,157 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 105,462 total reads

 105,462 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 199,688 total reads

 199,688 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 260,177 total reads

 260,177 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 272,776 total reads

 272,776 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 36,918 total reads

 36,918 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top