CEAP, nakikiisa sa laban ng mamamayan ng Dupax del Norte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 57,234 total reads

Nagpahayag ng buong pakikiisa ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa Caritas Philippines, Diocese of Bayombong, at mga mamamayan ng Dupax del Norte sa kanilang paninindigan para ipagtanggol ang lupa, dignidad, at kinabukasan ng komunidad.

Ayon sa CEAP, ang tunay na kaunlaran ay dapat nakaugat sa paggalang sa karapatang pantao, pangangalaga sa mga lupang ninuno, at sa ating nag-iisang tahanan.

Binigyang-diin din ng samahan ang pangangailangan ng konsultasyon at pananagutan sa mga desisyong may malaking epekto sa mahihirap at bulnerableng sektor.

“We echo the call for genuine consultation and moral accountability in decisions that deeply affect local communities, especially the poor and vulnerable,” pahayag ng CEAP.

Lubha ring ikinababahala ng CEAP ang mga ulat ng pananakot at karahasan laban sa mga residente, na taliwas sa mga pagpapahalaga ng katarungan, diyalogo, at batas.

Batay sa katuruang panlipunan ng Simbahan, sinusuportahan ng CEAP ang panawagang itigil ang mga mapaminsalang pag-unlad, tulad ng pagmimina, na nagbabanta sa buhay, kabuhayan, at kalikasan.

“We stand with the local Church and Caritas Philippines in forming consciences, educating for justice, and advocating for development that truly serves the poor,” giit ng CEAP.

Una nang iginiit ng Caritas Philippines ang pagsuporta sa panawagan ng Diyosesis ng Bayombong para sa agarang pagpapatigil sa exploration activities ng Woggle Corporation, kabilang ang paglalabas ng cease-and-desist order, upang maiwasan ang karagdagang pinsala sa kalikasan at paglabag sa karapatang pantao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 76,185 total reads

 76,185 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 171,048 total reads

 171,048 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 215,316 total reads

 215,316 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 238,425 total reads

 238,425 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 310,132 total reads

 310,132 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,679 total reads

 146,679 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top