Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

3 bagyo, inaasahang papasok sa PAR ngayong Agosto

SHARE THE TRUTH

 7,515 total views

Dalawa hanggang tatlong bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa buwan ng Agosto.

Ito ayon kay Chris Perez, assistant weather chief ng Pagasa sa panayam ng Veritas Pilipinas.
Hinihikayat ni Perez ang publiko na patuloy na maghanda at tuwinang mag-antabay sa paalala ng Pagasa at lokal na pamahalaan.

“Ngayong August po mayroong possibility na baka may monitor tayo na mamuo sa loob ng PAR o pumasok dito sa loob ng PAR ng mga at least two hanggang tatlo 3 na bagyo for the month of August kaya sa mga kababayan po natin dapat mag antabay din ng daily weather update,” ayon kay Perez.

Sa buwan ng July, tatlong malalakas na bagyo ang naitala ang mga Bagyong Dodong, Egay at Falcon na kasalukuyan pang nasa teritoryo ng Pilipinas na pawang nanalasa sa hilagang Luzon.

Sa kasalukuyan ay umiiral din sa malaking ng bansa ang wind sytem na hanging habagat na bagama’t hindi kasing lakas ng bagyo ay mas napag-iibayo naman ang habagat na nagdadala ng mga pag-ulan.
“So, sa nangyayari po nating senaryo ngayon, malakas yung Falcon at dahil lakas niya hinahatak niya yung habagat palapit ng ating bansa,” paliwanag ni Perez.

Ang bagyong Falcon ay ang ika-anim na bagyo na pumasok sa bansa mula sa karaniwang higit 20 bagyo kada taon.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), halos 670-libong pamilya o 2.4-milyong indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Egay.

Umabot na rin sa 25 ang kabuuang bilang ng mga nasawi, 52 ang nasaktan, habang 13 naman ang nawawala

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 13,247 total views

 13,247 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 27,958 total views

 27,958 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 40,816 total views

 40,816 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 115,042 total views

 115,042 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 170,696 total views

 170,696 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

ConCon, ipinapanawagan ng isang mambabatas

 2,714 total views

 2,714 total views Nanawagan si Deputy Speaker at National Unity Party (NUP) chairman Ronaldo Puno sa pagsasagawa ng isang constitutional convention (ConCon) para muling pag-aralan at

Read More »

Sumbong sa Pangulo website, inilunsad

 5,148 total views

 5,148 total views Inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Agosto 11 ang “Sumbong sa Pangulo” website—isang online platform kung saan maaaring makita ng publiko

Read More »

Mamamayan, binigo ng Senado

 20,279 total views

 20,279 total views Binatikos ni House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang pasya ng Senado na i-archive ang impeachment

Read More »
1234567