40-days formation program, isinagawa ng Diocese of Boac

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 248 total views

Hinimok ni Boac Bishop Edwin Panergo ang mga mananampalataya na isabuhay ang kanilang pananampalataya at hindi lamang manatili sa kaalaman o pag-unawa sa mga aral ng Simbahan.

Ito ang mensahe ng obispo kaugnay ng patuloy na pagsasagawa ng tradisyong Novicio–Novicia, ang 40-araw na formation program tuwing panahon ng Kuwaresma na naglalayong palalimin ang buhay-pananampalataya ng mga mananampalataya sa Diyosesis ng Boac.

Ayon kay Bishop Panergo, mahalagang makita ang pananampalataya sa konkretong pamumuhay ng mga Kristiyano.

“Ang hamon para sa ating lahat: ang pananampalataya ay hindi lamang sa isipan… mahalagang ito ay maisagawa; pananampalataya na makikita sa gawa,” pahayag ng obispo sa panayam sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng obispo na matagal nang isinasagawa sa mga parokya ng diyosesis ang naturang 40-araw na paghuhubog tuwing Kuwaresma, na karaniwang dinadaluhan ng mga kabataan sa paggabay ng Simbahan.

“Tuwing dumarating ang Kuwaresma ay nagsasagawa ang lahat ng parokya sa Diyosesis ng Boac ng 40 araw na formation na tinatawag na Novicio–Novicia para sa paglago ng pananampalataya,” ani ng obispo.

Dagdag pa ni Bishop Panergo, mahalagang pagkakataon ang programa upang higit pang mapalalim ng mga mananampalataya ang kanilang buhay pananalangin sa pamamagitan ng iba’t ibang gawaing espiritwal tulad ng banal na misa, rosaryo, Taizé prayer at iba pang debosyon.

“Napakaganda na may ganitong pagsasanay at disiplina sa loob ng apatnapung araw kung saan pinalalalim ang pagdarasal ng mga mananampalataya,” dagdag ng obispo.

Samantala, ibinahagi naman ni Fr. Jovin Grimaldo, director ng Diocesan Youth Commission, ang kagalakan sa aktibong pakikilahok ng mga kabataan sa mga gawain ng Simbahan.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbuklod ang mga novicio at novicia para sa isang pandiyosesanong pagtitipon.

“Unang pagkakataon na nabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na magkatipon-tipon upang magnilay at mas maunawaan ang kanilang misyon sa Simbahan,” pahayag ni Fr. Grimaldo.

Tiniyak din ng pari na patuloy na susuportahan ng youth commission ang paghubog sa mga kabataan bilang mahalagang bahagi ng buhay ng Simbahan.

“Ang Diocesan Youth Commission ay hindi magsasawang mamuhunan para sa ating mga kabataan sapagkat sila ang Simbahan ngayon,” ani ni Fr. Grimaldo.

Hinimok din niya ang mga kabataan na patuloy na manalig sa Diyos sa kabila ng mga hamon sa buhay at paigtingin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Panginoon sa pamamagitan ng panalangin.

“Para sa ating mga kabataan, huwag tayong magsasawang manalangin, umasa at patuloy na manalig sa Panginoon sapagkat Siya ay Diyos ng pag-ibig,” dagdag pa ng pari.

Sinabi rin ni Fr. Grimaldo na ang convention ay isa sa mga tampok na gawain ng Year of Family and Youth ngayong taon bilang paghahanda ng lokal na simbahan sa 50th founding anniversary ng diyosesis sa 2028.

Ang Novicio–Novicia ay isa sa mga matagal nang tradisyon sa lalawigan ng Marinduque na naglalayong patatagin ang pananampalataya ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng mas malalim na pananalangin, pagninilay at pakikibahagi sa buhay ng Simbahan lalo na sa panahon ng Kuwaresma.

Hango ang tradisyong ito sa inspirasyon ng Beaterio spirituality ni Mother Ignacia del Espiritu Santo, na nagtatag ng kauna unahang beaterio sa Pilipinas sa tulong ni Fr. Paul Klein, SJ noong 1684.Sa tradisyong ito, ang mga kababaihan ay nagsusuot ng asul na belo habang ang kalalakihan naman ay may panuelo bilang bahagi ng kanilang debosyon.

Dinala ng mga Heswita ang espiritwalidad na ito sa isla ng Marinduque bago ang taong 1700, kung saan una itong isinagawa bilang 40-araw na paghuhubog para sa mga kababaihan mula Ash Wednesday hanggang Easter Sunday, na kalaunan ay binuksan na rin para sa mga kalalakihan.

Isa sa mga bunga ng Novicio–Novicia ang aktibong pakikibahagi ng mga mananampalataya sa iba’t ibang ministeryo sa mga parokya, gayundin ang paghubog ng bokasyon tungo sa pagpapari, pagmamadre at buhay relihiyoso.

Kaugnay nito, ginanap ang First Diocesan Convention of Novicios and Novicias sa Torrijos, Marinduque noong March 7 sa temang “Hamos, Hayon, Hayo: A Synodal Journey,” na dinaluhan ng humigit-kumulang 1,500 kabataan mula sa 14 na parokya ng diyosesis.

Kabilang sa mga nagbahagi ng panayam si Sharon Joy Isla ng TV Maria na nagtalakay ng siyam na “Be-Attitudes” na dapat taglayin ng mga kabataan ng bagong henerasyon bilang gabay sa pagsusulong ng misyon ng Simbahan.

Nagbahagi rin si Jose Ponce ng kanyang personal na karanasan kung paano siya hinubog at ginagabayan ng Diyos sa kabila ng mga hamon sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 32,514 total views

 32,514 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 38,644 total views

 38,643 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 68,786 total views

 68,785 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 88,783 total views

 88,782 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 108,471 total views

 108,470 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top