Hanapin ang presensiya ng panginoon hindi ang materyal na bagay, Bishop Gaa sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 382 total views

Binigyang-diin ni Novaliches Bishop Roberto Gaa na magsisilbing paalala ng pakikipagtagpo ng tao sa Diyos ang bagong retablo na binasbasan sa Immaculate Conception Parish Greenfields III sa Novaliches Quezon City.

Sa kanyang homiliya, inihalintulad ng obispo ang retablo sa isang bukal o balon kung saan muling bumabalik ang mga mananampalataya upang matagpuan ang Panginoon.

“Itong retablo na ito… para siyang balon, para siyang bukal. Binabalik-balikan ninyo ito dahil dito ninyo natatagpuan ang Diyos,” pahayag ni Bishop Gaa.

Ipinaliwanag ng obispo na bagama’t hindi ang retablo mismo ang Diyos, nagsisilbi itong mahalagang paalala ng pakikipagtagpo ng tao sa Panginoon sa loob ng simbahan.

“Dito natin tinatagpo ang Diyos at dito rin tayo tinatagpo ng Diyos,” dagdag ng obispo.

Ayon kay Bishop Gaa, tulad ng kuwento sa banal na kasulatan tungkol sa pagkauhaw ng mga Israelita sa disyerto at ng babaeng Samaritana sa Ebanghelyo, ang tunay na pagkauhaw ng tao ay matatagpuan lamang ang kasagutan sa Diyos.
Hinimok din ng obispo ang mga mananampalataya na ituon ang kanilang paghahanap hindi sa materyal na bagay kundi sa presensya ng Panginoon na nagbibigay ng tunay na kaganapan sa buhay.

Binigyang-diin pa ni Bishop Gaa na ang simbahan ay lugar kung saan ibinubuhos ng tao ang kanyang pangangailangan at pinupunan ito ng Diyos ng kanyang biyaya at pagmamahal.

“Kapag tayo ay nandito, ibinubuhos natin ang ating pagkauhaw at ito’y pinupunan ng Diyos,” paliwanag ng obispo.
Dagdag pa ng obispo, ang biyayang tinatanggap ng bawat mananampalataya mula sa Diyos ay hindi lamang para sa sarili kundi upang ibahagi sa kapwa.

“Sa ating paglabas, magsisilbi tayong mga munting bukal, munting balon, na nagtuturo sa mga tao kung saan nila matatagpuan ang Diyos,” ayon kay Bishop Gaa.

Sa kabila naman ng mga hamon at kaguluhan sa mundo, hinimok ng obispo ang mga mananampalataya na manatiling nakaugat sa pag-asa na nagmumula sa Panginoon.

“Sa gitna ng dilim at kaguluhan, hawakan natin ang pag-asa na nagmumula sa Diyos,” giit ng obispo.

Umaasa si Bishop Gaa na ang bagong retablo ng parokya ay magsisilbing paalala ng malalim na ugnayan ng Diyos at ng kanyang bayan at patuloy na mag-aanyaya sa mga mananampalataya na lalong palalimin ang kanilang buhay panalangin.

Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon sina Fr. Joel Saballa at Fr. Allan Samonte na mga dating nanilbihang kura paroko ng parokya gayundin si Fr. Antonio Renoblas, CFIC, ang kasalukuyang parish priest katuwang si Fr. Edgie Almine, CFIC.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 7,752 total views

 7,752 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 77,864 total views

 77,864 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 152,478 total views

 152,478 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 232,557 total views

 232,557 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 275,635 total views

 275,635 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top