Pope Leo XIV, kinilalang magkakapantay ang lalaki at babae

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 609 total reads

Nababahala si Pope Leo XIV sa patuloy na lumalalang sitwasyon ng karahasan sa Middle East at nanawagan ng panalangin para sa kapayapaan sa rehiyon.

Sa kanyang mensahe matapos ang pagdarasal ng Angelus sa Vatican, sinabi ng Santo Papa na patuloy na nakatatanggap ang mundo ng nakababahalang balita mula sa Iran at iba pang bahagi ng Middle East.

Binigyang-diin ni Pope Leo ang pangangailangang wakasan ang karahasan at bigyang-daan ang dayalogo upang matamo ang kapayapaan sa rehiyon.

“We lift up our humble prayer to the Lord, so that the thunderous sound of bombs may cease, weapons may fall silent, and a space for dialogue may open up in which the voice of the people can be heard,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ipinagkatiwala rin ni Pope Leo sa Mahal na Birheng Maria, Reyna ng Kapayapaan, ang mga mamamayang patuloy na nagdurusa dahil sa digmaan upang gabayan ang puso ng mga tao tungo sa pagkakasundo at pag-asa.

Samantala, sa pagninilay ng Santo Papa sa Ebanghelyo ng pakikipagtagpo ni Hesus sa babaeng Samaritana, pinaalalahanan niya ang mga mananampalataya na si Hesus ang tugon sa pinakamalalim na pangangailangan ng tao.

Hinimok din ni Pope Leo XIV ang Simbahan na maging bukas sa mga pagkakataon ng biyaya ng Diyos at maging masigasig sa misyon ng ebanghelisasyon.

Binigyang-diin rin ng pinuno ng Simbahang Katolika na hindi panahon ang kasalukuyan para sa paghahati-hati sa loob ng pananampalataya.

“Lift up your eyes and recognize God’s surprises! This is not the time for opposition between one church and another, between ‘us’ and ‘them’,” ayon pa kay Pope Leo.

Kasabay nito, nakikiisa rin ang Santo Papa sa paggunita ng mundo sa International Women’s Day kung saan muli niyang iginiit ang kahalagahan ng pagkilala sa pantay na dignidad ng babae at lalaki.

Ayon kay Pope Leo patuloy na nararanasan ng maraming kababaihan ang diskriminasyon at iba’t ibang anyo ng karahasan mula pa sa kanilang kabataan kaya’t iniaalay niya ang kanyang pakikiisa at panalangin para sa kanilang hanay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 5,179 total reads

 5,179 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 46,894 total reads

 46,894 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 81,021 total reads

 81,021 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 137,427 total reads

 137,427 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top