Ipagdiwang ang mahal na araw sa Manila cathedral, paanyaya sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 763 total reads

Inaanyayahan ng Manila Cathedral ang mga mananampalataya na makiisa sa mga pagdiriwang ng Mahal na Araw ngayong 2026 sa pamamagitan ng iba’t ibang gawaing espiritwal at pagdiriwang ng banal na misa.

Ayon sa katedral magsisimula ang mga pagdiriwang sa March 29, Palm Sunday, kung saan magkakaroon ng mga banal na misa sa ganap na alas 8, at alas 10 ng umaga habang alas 4 at alas 6 naman sa hapon.

Pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang Palm Sunday mass sa alas 10 ng umaga.

Sa April 2, Huwebes Santo, magsisimula ang pagdiriwang sa 6:30 ng umaga sa pamamagitan ng Morning Prayer na susundan ng Chrism Mass sa ganap na alas 7 ng umaga na pangungunahan din ni Cardinal Advincula.

Sa hapon ng parehong araw, ganap na alas 5 ng hapon ang Misa sa Takipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon, na hudyat ng pagsisimula ng Paschal Triduum.

Samantala, sa April 3, Biyernes Santo, isasagawa ang mga tradisyunal na pagninilay sa pagpapakasakit ni Hesus kabilang ang Stations of the Cross sa ganap na alas 8:30 ng umaga, Siete Palabras sa tanghali, at ang Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ng Panginoon sa alas 3 ng hapon na pangungunahan ni Cardinal Advincula.

Magpapatuloy ang pagdiriwang sa April 4, Sabado de Gloria, kung saan gaganapin ang Easter Vigil sa alas 8 ng gabi na pangungunahan ng arsobispo.

Sa April 5, Linggo ng Pagkabuhay, magkakaroon ng mga banal na misa sa alas 8 at alas 10 sa umaga, alas 4 ng hapon at alas 6 naman sa gabi bilang pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Hesukristo.

Bukod sa mga pagdiriwang ng misa, maglalaan din ang katedral ng mga oras para sa sakramento ng kumpisal mula March 30 hanggang April 3 upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mananampalataya sa paghahandang espiritwal para sa mga Mahal na Araw.

Patuloy namang hinihikayat ng pamunuan ng Manila Cathedral ang mga mananampalataya na makiisa sa mga pagdiriwang ng Mahal na Araw bilang panahon ng panalangin, pagsisisi at mas malalim na pakikiisa sa pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesukristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 5,144 total reads

 5,144 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 46,863 total reads

 46,863 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 80,990 total reads

 80,990 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 137,396 total reads

 137,396 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top