5-day PHILHEALTH holiday, ipinagpaliban

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 476 total reads

Ipinagpaliban muna ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) ang binabalak na “five-day PhilHealth Holiday” na isasagawa sa Enero 01-05, 2022.

Sa panayam sa Veritas Pilipinas, sinabi ni PHAPI President, Dr. Jose Rene de Grano na layunin ng PhilHealth holiday na suportahan ang mga pribadong ospital na nag-anunsyong puputulin na ang pakikipag-ugnayan sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) dahil sa mga hindi pa nababayarang utang.

“Napakarami pong kadahilanan ng paglulunsad ng PhilHealth holiday. Isa na po rito ang hindi nila tamang pagbabayad sa mga ginastos ng mga pribadong ospital para sa mga pasyente. ‘Yun po’y mga claim reimbursement lang na kailangan pong ibalik sa mga ospital nang sa gayon ay maipagpatuloy namin ang pagse-serbisyo lalo na sa mga indigent patients,” pahayag ni de Grano.

Ipinaliwanag ni de Grano na ang benepisyong makukuha ng miyembro ng PhilHealth ay inaako muna ng pribadong ospital at saka ito sisingilin sa health insurer.

Ngunit, suliranin naman ang matagal na pagbabayad o kaya nama’y hindi agad ito nababayaran ng PhilHealth sa itinakdang araw ng mga private hospital.

“‘Yan nga po ang nangyari dito sa nakaraang dalawang taon, especially nung pumasok ang mga kaso ng COVID. Alam naman po ninyo na kapag COVID, napakalaki ng PhilHealth benefits na makukuha ng pasyente,” saad ni de Grano.

Nitong nakaraang linggo ay napagkasunduan ng pamunuan ng Far Eastern University – Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation (FEU-NRMF) na hindi na mag-renew ng accreditation sa PhilHealth dahil umabot na sa P200-milyon ang unpaid claims nito.

Nauna rito, pitong malalaking pribadong ospital sa Iloilo City ang gustong putulin ang pakikipag-ugnayan sa PhilHealth sa susunod na taon dahil din sa unpaid claims na nagkakahalaga ng humigit sa P545-milyon.

Ayon naman sa PhilHealth, nabayaran na nito ang P11.64 billion na claims sa pamamagitan ng Debit Credit Payment Method (DCPM) sa mga pribadong ospital sa buong bansa.

Sa kabuuan, ang pagkakautang ng government-owned insurance company sa mga private hospitals ay aabot sa P20-bilyon.

Ang PHAPI ay mayroong humigit-kumulang 700 miyembro, kung saan karamihan dito ay PhilHealth accredited.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 19,942 total reads

 19,942 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 118,634 total reads

 118,634 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 162,903 total reads

 162,903 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 186,014 total reads

 186,014 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 260,055 total reads

 260,055 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 144,723 total reads

 144,723 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top