50% target para sa ENDO sa 2016, kayang abutin-DOLE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 354 total reads

Posibleng maabot na ng DOLE o Department of Labor and Employment ang target nila na mabawasan ang ENDO o End of Contract ng 50 porsiyento sa bansa ngayong 2016.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas, ayon kay Labor secretary Silvestre Bello III, unti-unti ng nagre-regular ng kanilang mga kawani ang mga kumpanya na umaabot na ngayon sa 10,000.

Pahayag ng kalihim, may mga kumpanya naman na exempted sa pag-regular ng kawani gaya ng construction.

“May sumusunod naman kaya mukhang aabutin namin yung 50 percent na target bago matapos ang 2016, 50% reduction of incidence of endo and contractual, mukhang mawawala na ang endo, yung contractual may leeway pa kasi may exemption pa diyan,” pahayag ni Bello.

Kaugnay nito, nagpapalabas na ang DOLE ng cease and desist order laban sa mga kumpanyang nagpapatupad pa rin ng ENDO dahil ito ay labag sa batas ng paggawa.

“Sa ENDO, nag-iisyu na kami ng cease and desist order dun sa mga kumpanyang sumusuway sa batas natin tungkol sa ENDO at sa contractualization, maliwanag kasi sa ating labor code at sa saligang batas na ang ating mga manggagawa ay dapat may security of tenure kaya ang Endo na yan bawal na bawal yan,” ayon kay Bello sa panayam ng Radyo Veritas.

Samantala, inatasan ng DOLE ang mga service provider na huwag ng magbigay ng mga tao sa mga malalaking kumpanya kung walang planong gawing regular ang kanilang mga bagong empleyado.

“Inaatasan namin ang mga service providers halimbawa sa isang mall na ayaw sumunod, sinasabihan namin na wag na kayo magde-deploy sa kanila ng workers so wala ng mag-dedeploy sa kanila, tanggal kayo ng tanggal tas binabalik ninyo so gagawin na namin silang regular yan ang marching order ko mula kay presidente Duterte,” ayon pa kay Bello.

Batay sa ulat ng TUCP o Trade Union Congress of the Philippines, nasa halos 35 milyong manggagawang kontraktwal mula sa mahigit 67.1 milyong kawani nitong 2016 sa bansa.

Una ng nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco sa world leaders na wakasan na ang umiiral na pang – aalipin sa mga maliliit na manggagawang kumikilos sa ikauunlad ng isang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 48,581 total reads

 48,581 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 135,082 total reads

 135,082 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 178,119 total reads

 178,119 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 227,878 total reads

 227,878 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 386,915 total reads

 386,915 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 330,559 total reads

 330,559 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 436,644 total reads

 436,644 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top