500 bata, bibinyagan sa Diocese of Kidapawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,110 total reads

Inihayag ng isang opisyal ng simbahan na ang pagtanggap ng sakramento ng binyag ay paalala ng pagiging misyonero.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairperson ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, hamon din ito sa mga binyagan na ipalaganap ang pananampalatayang tinanggap.

“That by baptism we are missionary; it is also a way of reminding our people of our call to mission, to witness our faith to all nations,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ng obispo na magbibinyag ang diyosesis ng 500 mga bata bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity ng Pilipinas. Aniya, hinati sa tig-125 sa apat na bikaryatong bumuo sa Diyosesis ng Kidapawan na binubuo ng 18 mga parokya.

Unang ginawa ang libreng binyagang bayan nitong Abril 26, 2021 sa Our Lady of Mediatrix of All Grace Cathedral sa Kidapawan City kung saan personal itong pinangunahan ni Bishop Bagaforo.

“By this celebration of baptism we are proclaiming to everyone that the church in Kidapawan diocese is alive! Because Christ is indeed ALIVE!” giit ng obispo.

Noong Abril 14 kasabay ng paggunita sa unang binyag na nangyari sa Cebu noong 1521, nagsagawa rin ng malawakang mass baptism ang iba’t ibang simbahan sa 86 na mga diyosesis at arkidiyosesis sa bansa.

Halimbawa na rito ang Diyosesis ng Mati kung saan halos 1000 indibidwal ang tumanggap ng sakramento ng binyag sa nasabing araw.

Binigyang diin ni Bishop Bagaforo na marapat lamang ipagpasalamat sa Panginoon ang biyaya ng pananampalatayang kristiyanismo na tinanggap ng bawat isa.

“Appreciation and thanksgiving for the gift of faith that was given and received by us,” ani Bishop Bagaforo.

Sa datos naman ng Statistical Yearbook of the Church ng Vatican pangatlo ang Pilipinas sa may pinakamaraming binibinyagan o katumbas sa humigit kumulang 1.6 milyong mga bata edad pitong taong gulang pababa noong 2019. Bukod dito ikatlo rin ang Pilipinas sa may pinakamaraming binyagang katoliko sa 89-milyon.

Sa kabuuan tumaas ang bilang ng mga katoliko sa buong daigdig ng 16 na milyon o katumbas sa 1.34 bilyong binyagan, 17.7 porsyento sa pandaigdigang populasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 4,681 total reads

 4,681 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 42,061 total reads

 42,061 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 73,332 total reads

 73,332 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 150,576 total reads

 150,576 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 244,557 total reads

 244,557 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top